For Frances :)
--
NATURE'S POV.
Nagddrive ako pauwi ngayon. Naisip ko yung pinagkwentuhan namin ni Coffee kanina.
Nashocked ako. Hindi ko alam kung ano irereact ko sa sinabi niya. Pero syempre nandun yung inis ko sakanya. Pero lasing din naman sya. Ganun rin naman dapat mangyayare samin ni Dax e. Pero napigilan lang. Ang pinagkaiba namin, hindi ako lasing nung nagawa kong halikan ang kinamumuhian kong lalaki.
Mas tanga pala ako kung tutuusin.
Kasi muntik na may mangyare samin na hindi ako nakainom.
Enough with this crap.
Kung anong plano, just stick with it.
Kung ano na lang problema ni Coffee tutulungan ko siya. Obvious naman na may gusto pa siya kay Chumps. Ako wala na talaga akong nararamdaman kay Dax.
Wala na ba talaga?
Meron.
Galit.
Nadistinguish ko na yan nung nakaraan. Wala ako maramdaman sakanya kundi galit.
Natigil ako sa pagmumuni ng nakarating na ko sa condo ko.
Naghihintay ako ng elevator. Ng nagring yung phone ko.
Pagtingin ko, number lang yung tumatawag sakin.
Hindi ko sinagot.
I really don't entertain unknown numbers. Usually kasi mga teenagers lang na nanghuhula ng numbers at naghahanap ng katext yung mga tumatawag na ganito. O di naman kaya e, mga modus na ate ko daw sya at manghihingi ng load dahil naaksidente daw sya. Naaksidente na nanghihingi pa ng load? Lame. Mga Filipinos talaga ngayon, gagawen na ang lahat makapanloko lang. Pero syempre not all Filipinos. May natitira pa rin sating mababait. Nakakalungkot lang na, Di na lang sila magbanat ng buto para may panload.
So tumunog lang sya ng tumunog. Wala akong paki.
Nakasakay na ko ng elevator. Wala signal dito kaya siguro naman hindi na makakatawag yun at titigil na. Pinindot ko sa 22 floor.
Paglabas ko ng elev, may lalaking nakatayo sa may door ng unit ko. At first, kinabahan ako. Nakatalikod kasi ang matangkad na lalaki. Bakit nagpapapasok ang lobby without my consent? Bawal yun ah.
Hindi naman siguro mamamatay tao to kasi pinapasok naman sya. Naglakad ako papalapit. May spray nga pala ako dito for bad people. Hinanda ko sarili kung masama nga to.
Malapit na ko nung humarap sya.
Si Dax.
What does he want!?
---
Xoxo
BINABASA MO ANG
Fatty To Sexy (COMPLETED)
Non-Fiction"I will be fine. I'll move on. I'll be sexy. I'll be successful. At pagnangyare yun, magkikita tayo ulit, Dax. Tignan lang natin" Sabi ni Nate. Nate is short for Nature Therese Pascual. A broken hearted girl. A not so sexy girl. Oo mataba siya. Pero...