Thanks sa 2 nagcomment last chapter. Haha! Kakasabi ko lang na buti walang nagdemand, may nagdemand na ng UD. Kaya eto. Napaupdate ako. :))
VOTE, COMMENT, SUGGEST pag like niyo lang :)
Sssssssss
---
NATURE'S POV
"What the hell?" Natatawang sabi ni Kuya Dexter. Nagulat ako sa sinabi ni Dax. May pamine mine pang nalalaman. Ano ako? Gamit? Psh.
"I'm not belong to your property, Dax. I'm not yours." I told him in a sweet and my most sarcastic tone.
Unang una, I don't belong to him. He doesn't own me. Pangalawa, wag nga sya umasta na parang wala syang atraso sakin!
"Oh pare, sya na mismo ang nagsabi, so pwede ko siya maging partner."
Nagsusukatan na sila ng tingin ni Dax, pero matatag ang tingin ni Dax kesa kay Gab. Si Gab kasi ay nakasmirk lang sakanya.
"She's the maid of honor and I'm the bestman of this wedding, so technically, she's my PARTNER, Gabby, and you can't do anything about it." Madiing sabi ni Dax. For a while parang nakikita ko ang other side of Dax. And I don't know kung ano bang problema nya. Kung ano ba ang pinaglalaban nya. Oo na nga e. sya na partner ko. Ang dami pang sinasabi. Magsasalita na ko sana ng biglang nagsalita si Kuya Dexter.
"Woah. Stop it guys. Gabby, stop playing your games here. Don't make a scene. Okay? Si Dax partner ni Nature, and if you want to know Nate better, just ask her out." Sabi ni Kuya Dexter.
"WHAT?" Parehas nilang sabi ni Dax. Nagkatinginan sila. Nakakunot ang noo ni Dax. I think he's really pissed right now. And I don't really know why.
Nagtaas ng dalawang kamay si Gab na parang sumusuko na sya. Nakangiti lang sya. Cool na cool lang. Samantalang si Dax ay hindi na maipinta ang mukha nya. Kung hindi lang ako niloko ng lalaking to, iisipin kong nagseselos sya.
"Wala naman akong ginagawa pare. Masyadong mainit lang to si Dax. Gusto ko lang naman makilala ang magandang babaeng ito na nasa harapan ko." Sabay kindat sakin. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Pero nakangiti ako. Natatawa kasi ako sakanya. Relax na relax lang kasi siya.
Si Dax ay walang reaction pero halatang halata na badmood pa rin siya. Si Kuya Dexter ay parang natatawa. Lumapit sakin si Ate Raffy.
"Nature, pagpasensyahan mo na yang kapatid kong ugok ha. Baliw talaga yan e."
Nagulat ako. Di pa ko sumasagot ng nagsalita na sya. "Yes he's my freaking brother." Then she smiled to me. Napangiti rin ako. At dun ko lang din napansin na may resemblance silang dalawa ni Ate Raffy.
"Are you guys done with your problems Or whatever? Can we just start this rehearsal so I can go somewhere and eat something I like. Saka niyo na ituloy yang rants niyo pagtapos." Sabi ni Chumpy. There's something about him that I can't explain. Masyado syang moody today. Hhmmm.
Biglang naglalakad ang assistant ni Coffee na sa tingin ko ay ang maghahandle samin ngayon. Nakakapagtaka at hindi pumunta si Coffee. Baka broken hearted. Somehow, nalulungkot na naman ako para sakanya.
"He's right guys, c'mon lets start."
After 1 hour natapos na rin ang rehearsal namin. Naglakad lang kami paulit ulit sa aisle. Tinuro ang mga gagawen ng mga abay at ng bestman and maid of honor. Pagkatapos na pagkatapos rehearsal namin, umalis kaagad si Chumpy.
Maya maya pa'y magpapaalam na sana ako ng hawakan ni Dax ang kaliwa kong kamay at hinila papunta kela Kuya Dexter, Ate Raffy and Gab.
"Hi Nature!" Nakangiting bati sakin ni Gab. Nginitian ko lang sya.
Di pinansin ni Dax si Gab at nagpaalam kela Kuya Dexter.
"Kuya maglalunch lang kami ni Nature. If you need me, just text me or call me."
Di na hinintay ni Dax na makapagsaluta ang kuya nya. Basta nya lang akong hinila papalayo sakanila.
--
There you goooo. May madadagdag na 3 characters. Yung isa na nga ay si Gabby. May 2 malapit na.:)
Xoxo.
BINABASA MO ANG
Fatty To Sexy (COMPLETED)
Non-Fiction"I will be fine. I'll move on. I'll be sexy. I'll be successful. At pagnangyare yun, magkikita tayo ulit, Dax. Tignan lang natin" Sabi ni Nate. Nate is short for Nature Therese Pascual. A broken hearted girl. A not so sexy girl. Oo mataba siya. Pero...