For KRING. <3
------------
NATURE'S POV
Nakakainis talaga tong si Coffee. Gamitin ba naman ang katangahan?
"Ano yun Coffee, okay na kayo? Kayo na? Gusto mo na sya ulit? My goodness, Coffee!! Nakalimutan mo na ba yung ginawa niya sayo??? How could you be so stupid!" Sabi ko sakanya.
"Tree, wag ka nga sumigaw, nakakahiya!" Sabi niya naman. Sobrang nakakahiya talaga ang ginawa niyang pagpatol dun e sinaktan sya nun e!
"How could you kasi? Can you please tell me what really happened? Of course minus the eeew parts. Baka masuka ako dito at mawalan ako ng customers dito sa shop." I rolled my eyes.
Inirapan niya naman ako. "Hindi lang ikaw ang lasing no. Syempre tinatamaan na din ako kagabi. Hindi lang ako nagpapahalata kasi nga like you gusto ko kunware e strong ako kahit gustong gusto ko na matulog. And you know me, paglasing e mas wild pa sa wild. Nung nagsasayaw kami wala na ko sa sarili ko. Ang huling natatandaan ko na lang e hinila ako ni Chumps sa loob ng kotse nya, then pumunta kami sa condo niya. And then ayun na. We kissed, and end up with his bed."
"Tapos?" Natahimik ako. Seryoso kasi sya.
"Paggising ko, narinig ko siyang may kausap sa phone. Tas gumamit sya ng endearment. Sabi niya sa kabilang linya, Honey, I'll be there later, meron lang akong unting inaasikaso. Bye, Loveyou raw. Ako rin yung tanga e. Pero isang gabi lang naman yun. I'll make sure na hindi na mauulit. After ko sya marinig nun pumasok agad ako sa banyo naligo at paglabas ko, wala sya sa kwarto. Wala rin siya sa teracce nya, nasa kusina sya and since hindi ako kita from there, tumakbo na ko paalis." Ngumiti siya pero alam kong malungkot yung ngiti niya. Halata naman sakanya na gusto niya magpakastrong pero alam kong may gusto pa siya kay Chumps kahit sinasabi niya na galit sya dun sa lalaki.
"You know what Tree, I'm sorry for leaving you last night. Kung alam ko lang na may mangyayare samin ulit ni Chumps, at mauulit lang din yung history, hindi na sana ako sumama sakanya kagabi at iniwanan ka. Bwiset kasing Chumps na yun e! Mag pagnanasa na naman sakin!" Sabay tawa. Napatawa na rin niya ko.
"Its okay. Hayaan mo na. Wag mo na uulitin yun. Alam mo malas ata na naging clients natin sila Kuya Dexter.." Kinuwento ko sakanya yung mga nangyare din samin ni Dax. Nakikinig lang sya at parang kinikilig pa siya. Fvck anong nakakakilig sa lalaking yun!
"Hoy, hindi nakakakilig yung nangyare no!" Sigaw ko.
"Ang cute niyo kasi e."
"Ako lang ang cute, hindi siya." I pout.
"Para kang bata dyan."
At nagtawanan kami. Iniba na namin yung topic. Deep inside of me, naalala ko na naman yung nangyare kaninang umaga.
----
xoxo
BINABASA MO ANG
Fatty To Sexy (COMPLETED)
Não Ficção"I will be fine. I'll move on. I'll be sexy. I'll be successful. At pagnangyare yun, magkikita tayo ulit, Dax. Tignan lang natin" Sabi ni Nate. Nate is short for Nature Therese Pascual. A broken hearted girl. A not so sexy girl. Oo mataba siya. Pero...