Chapter 57: A lifetime.(PART 1)

25.5K 349 20
                                    

A/N: BAGO KO TAPUSIN TONG STORY KO...

I would like to thank you guys for supporting me. Hindi ko inaasahan na dadami ang magbabasa sa story na to kasi it was just a past time for me. Sabi ko pag nagsulat pa ko after chapter 3, itutuloy ko to. Amazingly, ang daming nagbasa at nagkaroon ng feedbacks. Sa totoo lang sobrang saya ko talaga kasi whenever I read all your comments, ginaganahan ako magsulat. Kung hindi sanyo, hindi ko matatapos to. Kaya clapclapclap for you guys! This would be the last chapter. Pero may epilouge pa to. And another update for my soon story. Please support the other story too in the near future. Sa ngayon nagiisip pa rin ako ng next story ko <3

Since this will be the last chapter, puro POV ko na to ha. <3 Enjoy and please vote and comment! <3

-----

NAGULAT NA LANG SI NATURE ng magising siya ulit dahil sa ingay na isang RNB song na tumutunog na hindi niya alam kung saan galing. Hindi rin niya maintindihan na nasa isang kwarto na naman siya na hindi pamilyar sakanyang paningin. Hindi muna siya bumangon sa malambot na kama. Nilibot niya ang kanyang mata sa kwarto. Napagtanto niya na nasa isang beach house sya. Malamang dahil nakabukas ang isang pinto nito palabas papuntang veranda at makikita agad dito ang asul na asul na dagat.

"Nasan ba ko? Ano ba nangyare kanina?" Parang tangang kinakausap niya ang sarili. Pilit na inaalala ang nangyare habang tumutunog ang maingay na not so old RNB song. Napadilat sya at napatingin sa orasan na nahagip ng mata niya. Magaalasingko na. Pero naguguluhan talaga siya sa mga nangyayare. Bakit parang kinakabahan siya. Pilit na inaalala ang mga nangyare bago siya nakatulog.

"HIJA, BUTI NAMAN AT GISING KANA. Kanina ka pa namin hinihintay na magising." Sabi ng mother niya. Nagtataka syang tumingin sa mga ito. Anong kasal ang pinagsasabi ng mga to?

"Bakit kayo andito? Anong kasal Mom? Kasal ko? Kanino ako ikakasal!?" Hysterical na sabi niya. E kanino naman kasi siya isasakal, este ikakasal e wala pa nga sya sa puntong nakakamove on. Speaking of moving on, wala si Daxis. Biglang sumakit ang dibdib niya ng maalalang kasal nito ngayon sa Rebeccang iyon. Napayuko siya at pinigilan ang sariling umiyak. Too much detail to swallow.

"Easy lang kasi ate. I mean, h- hindi mo kasal. Nagkamali lang ako ng sinabi. Kasal ni Kuya Daxis ngayon diba? Nalaman ko kay Gabby, kaya kami andito para suportahan ka dahil alam namin na hindi madali ito para sayo. Lalo na kay Nadine." Sabi ng kapatid niya. She sighed in relief ng malamang hindi sya ang ikakasal. Ngunit pagtingin naman sa mommy niya at kapatid niya ay hindi na niya pinigilan ang namumuong luha niya. Unti unting na siyang napahagulgol. Alam naman kasi niya na kung ikakasal man siya ay gusto niya kay Daxis at hindi sa ibang lalaki. Mabuti na rin na nagkaroon sila ng last night together at nabigay niya ang sarili niya dito. 

Her mom hugged her, mas lalo tuloy syang napaiyak. Hindi talaga nawawala ang mommy niya sa mga panahon na kailangan niya ito. Hindi kailan man naging madali ang buhay niya. Hindi naman siya nagpaloko sa mahal niya sa pangalawang beses e. Sya lang nagbigay ng motibo dito para kahit papano ay maging masaya man siya kahit na ikakasal na to sa iba. Masama man siyang babae dahil naging selfish sya at di inisip ang mga masasaktan sa ginawa niya, wala na siyang pakielam. Atleast naramdaman niya ang pagmamahal ni Daxis kahit sa isang gabi lang.

Maya maya ay dumating si Heaven na hindi niya napansing umalis ito kanina dahil masyado siyang umiiyak sa sobrang sakit na nararamdaman niya. May dalang water. Agad kumunot ang noo niya, oo nga pala bakit may suot na siyang damit. 

Fatty To Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon