A/N: NEW COVER :D SORRY KUNG NATAGALAN ANG UPDAAAATE! OO NA ANG TAMAD KONG AUTHOR! HAHAHA
Dedication? Sino may gusto?
Sssssssss
-------
THIRD PERSON'S POV.
NAKAKAILANG shots na ng tequila si Nature pero sige pa rin ang order niya. Wala siyang pakielam ngayon kung marami syang mainom. Mataas naman ang tolerance niya sa hard. Pero, alam niyang may epekto pa rin sakanya ang alak kahit hindi siya mabilis malasing. Katulad ngayon, lumalakas ang loob niya. Tumayo siya para magsayaw sa gitna kasama ang mga naging kaibigan niya sa New York. Wala rin siyang ginawa kundi tumawa habang wild na nagsasayaw.
1 buwan na nakakaraan ng nagusap sila ni Daxis. Pumayag siyang maiwan si Nadine sa bahay nila Dax. Naiintindihan naman niya ang nadulot niyang sakit dito. Pero iniiwasan niya lang na masaktan ang anak niya. Anak niya nga ba o siya? She smiled bitterly. She knew that she also wants to protect her heart from him again. Alam kasi niya sa sarili niya na may possibility na maranasan niya ulit ang pain noon. Pero yun lang iniiwasan niya. She’s being selfish alright, but who cares? It’s for her and her daughter’s own good. Ngunit wala rin naman siyang nagawa kundi sundin ang gusto ni Dax. Kahit na ayaw pa niya.
Araw araw siyang dumadalaw sa anak niya. Yes, pumupunta siya sa bahay ni Daxis kahit labag sa loob niya. Umuuwi rin naman siya dahil ayaw niyang isipin ni Dax na nagpapansin pa siya dito. Pagtapos nung umiyak siya sa kwarto nito ay agad din siyang umalis nun. Iniwan niya nga si Nadine, nagpaalam naman siya dito, tuwang tuwa pa nga eto ng sabihin niyang magsstay muna ito sa Daddy nito. Kinabukasan, bumalik siya sa bahay nito at nakakapagtakang sinalubong siya ni Daxis na hindi na ito galit. He welcomed her like nothing happened the day before. Hangang sa umabot ng 1 linggo, naging sweet ito ulit sakanya. He started asking how her day was. Nung una hindi pa siya sure kung tatangapin ang mga sweet gestures nito. Kasi baka pinagttripan lang siya nito. But days passed, she’s beginning to like it. Actually, love it. Andyan yung lumabas silang tatlo na para bang isa na nga silang pamilya. Daxis also started to act like a husband to her na tinatangap naman niya. Naging malambing na rin siya dito. Halos araw araw sila lumalabas. Sabi nito, he was just trying to make up to their daughter. Valid naman yun para sakanya.
Pero nagulat na lang siya ng biglang naging cold sakanya ito. At first she thought he’s just busy dahil masyadong nagexpand ang business nito dahil sa pagbili nito ng hotel kung nasaan ang bakeshop niya. But she was wrong. He’s really acting cold. She said to herself na wala siyang karapatang magalit dito dahil hindi naman sila nito. She’s just the mother of his daughter.
Napaupo ulit siya sa couch na nirent nilang magkakaibigan that night. Hiniwakan niya ang magkabilang sentido niya na para bang sumasakit ang ulo niya sa mga nangyayare. Worst na nakita niya ay yung kahapon, naghire pala ito ng isang wedding planner. At hindi sa sinasadyang pagkakataon ay narinig niya sa mga chismosa nilang employees sa hotel na 2 linggo na pala nito kausap ang wedding planner. Nagtataka siya, ikakasal na ito? Hindi niya napigilang itanong dito kahapon habang nagkasabay silang sumakay ng elevator kung si Rebecca ba ang babaeng pakakasalan nito. Ngumiti lang ang gago sakanya saka lumabas ng elevator. Confirmed for her, Rebecca the serpent will be the bride. Uminom siya ulit ng hard. Dalawang beses. Kailan ba siya magiging ganito?
BINABASA MO ANG
Fatty To Sexy (COMPLETED)
Non-Fiction"I will be fine. I'll move on. I'll be sexy. I'll be successful. At pagnangyare yun, magkikita tayo ulit, Dax. Tignan lang natin" Sabi ni Nate. Nate is short for Nature Therese Pascual. A broken hearted girl. A not so sexy girl. Oo mataba siya. Pero...