KAUGALIAN MAGBASA NG AUTHOR'S NOTE :)
A/N: Eto na po. Kaya wag na kayo mabitin. Magupdate na ulit ako. Hihi. This would be short para lang po sa nagdemand ng UD agad. Guys, I'm doing my best talaga pero last 2 weeks na lang hinihingi ko sainyo and makakapagupdate ulit ako thrice a week. Madami pa mangyayare bago ko gawen yung story ni Coffee and Chumps. Siguro pag last two chapters na nitong FTS saka ko sisimulan yung story nila okaaay? :D
This is for @missprinciple sya po yung nagmessage sakin. Hihihi! Thanks sa message mo! <3 :D
PAGGUSTO NG DEDICATION, PM ME HA, PAGBIBIGYAN PO KITA :) <3
----
NATURE"S POV.Isang linggo na ang nakakaraan since nagkita kami ni Dax sa MOA. Simula rin nun ay hindi na muna ako naglagi sa condominium na pagaari niya dahil makikita ko lang sya dun. Hindi naman dahil sa ayaw ko talaga siyang makita, actually sobrang miss ko na siya. Ilang araw na rin ako nagiiyak pero hindi pa rin ako gumagawa ng way para makita ko siya. Sobrang katangahan na ang ginagawa ko. Hindi na ako nadala. Hindi na rin ako nagsawa.
Nasa shop ako ngayon. Sa office ko. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa malayo. Naweweirduhan na nga sakin yung mga staffs ko but I don't care. Once in a while lang naman ako maging maweirdo at yun yung pag nasasaktan ako.
"Ma'am."
Napatingin ako sa secretary ko, hindi ko siya napansin na nasa gilid ko na pala siya. Masyado akong lutang.
"May naghahanap po sanyo, kaibigan daw po nung kliyente natin na si Sir. Dexter." Magalang na sabi niya sakin.
"Ahh si Gabby?" Tanong ko. Baka may kailanganin sa kapatid ko. Simula kasi ng dumating ako sa bahay, medyo naging masayahin ang kapatid kong si Heaven, kabaliktaran naman ako ngayon na madalas magkulong sa kwarto. Even my parents were asking her if I'm alright. Pero walang nasasabi si Heaven dahil hindi naman ako nagoopen up sakanya. Dahil gusto ko mapagisa. Hindi ko rin naman nakakausap si Coffee ngayon, dahil hindi rin siya nagpapakita. Wala akong balita sakanya. Text lang minsan pero saglit lang, pag kinamusta ko na siya hindi na siya nagrereply. Ewan ko kung anong ginawa sakanya ni Chumps.
"Ma'am hindi po si Sir. Gabby. Si Mr. Eric daw po." Mr. Eric? wala naman akong kilalang Eric ah. Sabay dumating ang Mr. Eric na sinasabi ng secretary ko. Medyo matanda na ang itsura niya at may kasama siyang babae na I think asawa niya. Nginitian niya agad ako kaya nginitian ko rin sya,
"Goodafternoon, Kayo raw po si Mr. Eric?" Pormal kong tanong.
"Yes, I am, and this is my wife Brenda." Nginitian din ako nung asawa niya.
"Oh, nice meeting you. Take a seat." Aya ko sakanila. Ngumiti silang magasawa ulit. Okaaay. Ako lang ba weirdo dito o idamay pa sila?
"So ano po ang mapaglilingkod ko sanyo?" Magalang ko ng tanong. Nagkatinginan sila at nagsalita na yung Eric.
"Hindi na ko magpapaliguy ligoy pa Nature. Nung natikman naming magasawa yung cake na ginawa mo ay agad kaming humanga sa pagbebake mo."
"So we decided to go here in your shop and ask for business matters." Napatango tango ako.
"Anong business ang iooffer niyo?" Interesado kong tanong. Nakasalalay kasi ang pangalan ng shop ko dito that's why I'm interested. Gusto ko pa kasi makilala ang shop ko. Kaya bago ako sumugal naghahanap muna ako ng mgaandang iooffer sakin. Madami na rin nagattempt pero natakot ako kasi baka lokohin lang ako. And based naman sa mga taong nasa harapan ko alam kong mapagtitiwalaan sila dahil kaibigan sila ni Kuya Dexter.
"Gusto sana namin na magtayo ka ng shop mo sa magiging hotel namin. Magandang opportunity iyon sa shop mo para makilala at the same time we are sure na papatok yung cakes and other delicacies mo sa hotel namin." Napangiti ako at ganun rin sila. Sobrang ganda ng offer nila. Agad akong tumango .
"Wow that's great! Parang hindi ko na kailangan pagisipan pa. Gusto ko yung inooffer niyo sakin Sir, Ma'am."
"Oh please, call me Brenda, and my husband Eric, masyadong pormal." Sabi sakin ni Brenda.
"Okay kung yun ang gusto niyo but I tell you sobrang in na ko sa business proposal niyo. Saan nga pala ang hotel na pinagawa niyo and open na ba siya?" Tanong ko sakanila. Oo nga pala hindi ko natanong ang importanteng bagay na yun.
"Magoopen na siya kung mapapapyag ka namin and if napapayag ka naman namin. I'll just tell to my lawyer to bring here the legal documents that you needed to sign then you can start furnishing and designing your shop inside in our hotel." Sabi sakin ni Eric.
"And the location would be where?" Curious kong tanong.
"Oh yeah. In New york dear." Nakangiting sabi sakin ni Brenda. Napatayo ako at hindi ko napigilan ang mapabulalas ng "WHAT?"
"Mukang nagulat ka Nature. Sorry we didn't tell you from the start but we hope you can still think about it. We're going to New York next week and we hope na makakapagisip ka pa kahit papano. Just let us know."
Hindi ako makasagot. Pero maganda ang iniooffer nila. Pero ano ba dapat kung gawen?
Ang mawala sa isip mo si Daxis. Sabi ng ulo ko. Hala connected ba talaga ang offer nila sa sabi ng utak ko?
Malamang oo. Dahil kung tangapin ko yun, mawawala sa paningin ko si Daxis. At it will be the start of my moving on journey. Napasubsob na lang ako sa table ko kahit nasa harap ko pa rin si Brenda and Eric.
------
Maiksing UD pagpasensyahan kung waley antok na ko e. Maaga pa bukas. Just wait for the update ulit. Loveyou guuuys! :)
XOXO.
BINABASA MO ANG
Fatty To Sexy (COMPLETED)
Non-Fiction"I will be fine. I'll move on. I'll be sexy. I'll be successful. At pagnangyare yun, magkikita tayo ulit, Dax. Tignan lang natin" Sabi ni Nate. Nate is short for Nature Therese Pascual. A broken hearted girl. A not so sexy girl. Oo mataba siya. Pero...