Chapter 18: Elevator.

31.2K 314 6
                                    

NATURE'S POV.

Magkasabay kaming naglalakad ngayon patungong elevator. Tahimik lang ako. Pinilit pa kasi ni Kuya Dexter kanina na samahan ako nitong bwiset na to na wala naman ginawa kundi magtetext sa cellphone niya.

Ang sarap sabihin sakanya na bumalik na lang sya dun sa office ni Coffee. Hindi ko nga alam kung bakit nagprisinta pa sya busy busy naman sya. Sus.

Nasa tapat ng elev na kami. Hinihintay naming dumating. Hindi na ko nakapagpigil at nagsalita.

"Bumalik kana dun. Hindi mo na ko kailangan ihatid."

"Wala ka namang magagawa kahit gusto mo kong pabalikin dun. Dahil di ko gagawen yun." Then smirked. Why oh why, Lord.

"E kung magtetext ka lang dyan sana hindi ka na sumama!" I hissed.

Tumitig sya sakin. Then he grinned.

"Why, my lovely Nate? Jealous?" Yung ngiti niya yung nakakaloko!

Ginantihan ko din sya ng ngiting pangaasar.

"Why would I be jelous? You're not even my type!"

Nagiba mood nya pagkasabi ko nun. Naging seryoso sya at mataman akong tinitigan.

"Not even you're type? Really? Kaya pala I've became your ex."

"Nagsisisi nga ako e."

Sabi ko at Tinignan ko lang sya ng masama. Habang sya, nakatitig pa rin sakin, as if he's trying to scan my emotions inside.

Bumukas na yung elevator at papasok sana ako ng unahan nya kong pumasok. Wow! How gentleman naman! Naglakad na rin ako papasok.

Pero sadyang minamalas nga naman akong araw ng mastuck yung takong ng heels ko sa pagitan ng elev at floor. Manipis lang kasi yung takong ng shoes ko at kasyang kasya talaga dun yon. Ng pinilit kong tangalin, ng matangal ko na, naout of balance naman ako at napasubsob ako sa chest ni Dax.

Saka sumara yung pinto ng elevator. Nagkatinginan kami ni Dax, pero nagiwas ako. Tinulak ko siya ng bhgya at tumayo ng maayos.

Pero hindi pa kami nakakalagpas ng isang floor, ng may pindutin syang button sa elev na alam kong magpapastop samin dun.

"H-hooy! A-anong--"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla nya kong hinawakan sa magkabilang braso, at tinulak ako sa wall ng elev na yun. Napaigtad ako hindi dahil sa sakit kundi sa gulat. Anong problema nito!

"Dax, what's happening to you?! Kailangan ko ng bumaba!" Sigaw ko. Pero ang ginawa niya lang ay tinukod niya yung isang kamay nya sa gilid ng muka ko at yung isang kamay niya ay hinawakan ang baba ko.

Napatitig ako sakanya. Mukang galit sya. Anong ginawa ko?

Nakaramdam ako ng takot sakanya at the same time, masyado akong nahypnotized sa titig nya.

"Pinagsisihan mo?" Nangaakit nyang sabi. Then it came to my senses why he's mad. But why? Totoo yung sinabi ko. Dahil kung hindi sakanya, hindi ako ganito ngayon!

Nagsusukatan kami ng tingin. Pero nagsalita ako.

"Oo, pinagsisisihan ko. Pinagsisisihan ko yun Dax."

Mukang galit na nga sya. Akala ko ay papakawalan niya ko ng bigla niya kong halikan.

He's kissing me aggressively na kinagulat ko. I was pushing him hard kasi nasasaktan lips ko. Pero nagulat ako ng biglang naging soft yung paghalik nya sa labi ko. And he hugged me. Na naging rason para sumagot ako sa halik niya.

Naghiwalay lang ang mga labi namin ng kailangan namin ng air para makahinga. Pero nakatitig lng sya sakin. Pinahid nya ang gilid ng labi niya, naramadaman siguro nyang nalagyan sya ng lipstick ko nung nakita nya yung labi ko. Agad agad kong kinuha ang panyo ko sa bag ko at pinunasan ang labi ko.

Humihingal pa rin ako nang pumunta sya sa floor buttons ng elev at pinindot ulit yun para umandar. Wala kaming kibo. Hindi ko alam kung anong nangyayare sakanya. Gumanti na naman ako ng halik.

Ibang klase kasi siya. At ibang klase rin ang nararamdaman ko kanina. Siguro pulang pula na ngayon ang mukha ko.

Tinignan ko si Dax na nakatalikod sakin. Pagtapos ng halik wala ng sinabi. Nice.

Hangang sa umabot kami ng ground floor. Naglakad na kami papuntang parking, hindi pa rin kami nagiimikan.

That's fine with me. Wala rin naman akong magandang sasabihin sakanya.

Papasok na ko ng kotse ng bigla nya kong hinalikan ulit. Pero saglit lang. At binitawan niya ko agad nung magreresponse ako. Nagulat na naman ako at nagsalita.

"Di ko alam kung anong nangyayare sayo."

"Pumasok kana ng kotse." Sabi niya. Seryosong seryoso sya. Hindi ko pa sya nakikita ng ganitong seryoso. Minsan lang pag galit sya o may iniisip ng mahalagang bagay.

Sinunod ko na lang sya. Ang hirap kasi sakin, nagpapadala kagad ako sa mga halik niya na di naman dapat.

Pagkapasok ko ng kotse sinara ko agad yun at binuksan ang makina. Ngunit hindi pa ko nakakaandar ng kumatok sya sakin. Binaba ko yung window ko. Magsasalita pa lang ako ng bakit ng naunahan nya kong magsalita.

"Next time, pagsasabihin mo saking nagsisisi ka na naging boyfriend mo ko dati, wag kang tutugon sa mga halik ko."

At walang sabi sabing tumalikod sya at bumalik sa building. Leaving me speechless.

--

Xoxo

Fatty To Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon