Chapter 24: She has a point.

30.5K 279 10
                                    

I'm so overwhelmed. Thank you guys! Sa mga sumusuporta ng Fatty To Sexy. Hindi ako magsasawa na magpasalamat sanyo :D

Sssssss

---

DAX'S POV.

Pauwi na ko ngayon galing sa bahay nila Nature. Ginabi na kami kasi traffic.

Hindi na ko pumasok kahit pinapapasok ako ni Heaven para magdinner.

Ganun pa rin si Heaven. Makulit pa rin. I can't beleive that she doesn't have an idea that me and her sister broke up.

Hindi ko alam kung bakit hindi sinabi ni Nature.

Si Nature.

I can't believe her.

May gusto naba sya agad sa kapatid ni Ate Raffy?

He's a nice guy but I can't trust him.

...................

NATURE'S POV.

"What!?" Gumilid ako. Napakalakas naman kasi ng sigaw ni Heaven. Sinabi ko na sakanya na wala na kami ni Dax. Matagal na. There's no point naman kung itatago ko pa.

That was a long time ago.

"But why? And why are you guys still dating kung wala na kayo?"

Napabuntong hininga ako. Andito kami ngayon sa kwarto ni Heaven. Sa bahay nila Mom and Dad. Hindi ko siya dinala sa condo ko kasi gusto nya raw dito magstay.

Kinuwento ko sa kanya. How, when, where, basta lahat kinuwento ko sakanya. Nakikinig lang sya sakin.

Nung natapos ko na. Bigla syang natahimik.

"So now you know why I want to tape your mouth. Ang daldal mo kasi." Sabi ko sakanya.

"Its not my fault! Hello. You didn't tell me. And besides, I think may mali ka rin."

Napatingin ako sakanya at tinaas ang isang kilay ko. Okay Nature, composure. Pero malapit ko na talaga masapak tong babaeng to! Hindi ko alam kung kapatid ko ba talaga to o may malademonyong utak at parang kumakampi kay Dax.

"Hey! Don't give me that look. I'm not taking sides here." Depensa nya sakin.

"Then what? Ay nako Heaven, tigil tigilan mo ko ha. After kong kinuwento sayo, you think I still have a fault?"

Tumango sya. Pabiro ko siyang sinabunutan.

"Ate Nature! My hair! My gosh. Pinaayos ko pa yan sa New York bago ako umuwi dito. Please don't ruin it!"

"Ang arte mo! Kung kumakampi ka kasi sakin diba!? Buti pa si Coffee naiintindihan ako."

"Hoy Ate, naiintindihan kita! The thing here is, iniisip mo kasi na hindi kita kinakampihan, hello you're my sister. I love my own." Then giggled.

"Then what are you saying? Heaven, sya na nanakit sakin. Hindi mo naman kasi naranasan napagdaanan ko para makamit ko lang tong magandang body na to." Sabay gesture pa ng buo kong katawan. Gosh, sobrang namiss ko ang kapatid ko.

"Wow. Hiyang hiya naman ako sa maganda mong katawan.." Gesture nya rin sakin. ".. At ang makamit na word, oh bet ko yun. Pang MMK lang ang peg ng ate ko." Sabay tawa sya. Binato ko sita ng unan sa muka, sapul sya. Tawa ako ng tawa.

"Ate masakit yun ha!"

"Masakit my ass."

"Yuck!"

Tumawa lang ako. Pero nagseryoso ako ng maalala ko ang sinabi niya kanina. Ano ba mali ko sa relasyon namin ni Dax?

"Heaven, ano bang mali ko?"

Napatingin siya sakin. Seryoso ang mata nita pero nakangiti siya sakin. Bago pa siya magsalita may kumatok sa kwarto.

"Come in." Sabi ni Heaven.

Pumasok ang isang kasambahay namin na si Ate Amy.

"Ma'am Nature, Ma'am Heaven, pinapatawag na po kayo ni Manang. Bumaba na daw po kayo para sa dinner niyo."

"But si Mom and Dad?" Sabi ni Heaven.

"Pinapasabi po ni Manang Berta na gagabihin daw po sila Sir. Dahil may pupuntahan daw pong party."

Napalatak ang kapatid ko. "Ano ba yan. Kararating ko lang, may party kagad? Napakalakad talaga ng mga magulang natin Ate. Grabe, ang hirap nilang palakihin!" Umaarte pa siya na parang nagagalit na magulang.

"Kaya nga ako pumuntang New York para magtrabaho para saka--ARAY! Ate naman e. nageemote ako dito e!"

Binato ko kasi sya ng magazine. Arte arte e. Tumatawa si Ate Amy.

"Hay nako! Makakain na nga lang" at tumayo na siya. Saka naman lumabas si Ate Amy para bumaba. Palabas na ng pinto si Heaven. Pero hindi ko pa nalalaman ang sagot.

"Heaven." Lumingon siya sakin na nakangiti. Alam niya na siguro ang ibig sabihin ko sa tawag ko sakanya.

"I'm not taking sides ate. But sana binigyan mo siya ng benefit of the doubt. Masyado ka kasing insecure dati sa sarili mo dahil mataba ka dati at gwapo ang boyfriend mo. Pero nakita ko naman dati kung gaano ka nya kamahal. Sana binigyan mo siya ng time para maexplain ang side nya." Ngumiti sya sakin. At lumabas na ng kwarto.

Leaving me speechless.

----

Xoxo! :D

Fatty To Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon