Chapter 37: Before The Wedding.

28.7K 306 11
                                    

I told you guys. Magaupdate ako. NGAYON. Hahaha. Sorry kasi hindi pa to yung wedding! Something came up dapat pagsasamahin ko na this chapter and chapter ng wedding kaso may nangyare kasi e. Bawi ako bukas.:*

Ssssssss

---

NATURE'S POV.

Nasa bar na naman ako. Magisa. Hindi na ko nagpasama. This is my own problem. Hindi problema ni Heaven to, at mas lalong hindi kailangan ni Coffee to dahil may mga sarili silang problema. And besides, paulit ulit na lang naman na. Nakaupo lang ako sa isang stool sa may bartender's area. Nakakatatlong order na siguro ako ng Bacardi but still, hindi pa rin ako tumitigil kakainom. Maybe cocktail lang to pero malakas pa rin tama nito. kailangan ko kasi makapagunwind.

Napatingin ako sa mga nagsasayaw. At biglang pumasok ulit ang nangyare nung nakaraan.

1 linggo na rin ang nakakaraan ng nagkaroon kami ng outburst sa isa't isa ni Dax. 1 linggo ko rin kinalimutan at nag busy-busyhan sa shop para mawala sa isip ko ang nangyare. Pero wala talaga eh. I became more bitter than before. Ginawa ko ang cake ni Kuya Dexter sa isang linggo na yun. Bukas na yung kasal.

Pero wala sa isip ko magbeauty rest ngayon. Gusto ko nga kasi makapagunwind.

Biglang may nagtext sakin.

From Coffee:

*Where are you girl? I know Wala ka sa unit mo dahil walang sumasagot ng landline mo.*

Hindi ko na nireplyan. Ayaw ko siyang pasunurin dito dahil gusto ko nga mapagisa.

Nahagip ng mata ko ang couples na nagyayakapan at naghahalikan. Looks like they're inlove with each other. But I knew better.

"Tss. Pang past time ka lang niyan." Sabi ko sa sarili ko.

"Bitter mo naman."

Napatingin ako sa gilid ko. Si Anthony. Nagulat ako kasi andito siya. Hindi ko ineexpect na makikita ko na naman sya ulit after what happened.

"Hi!" Bati niya sakin na nakangiti. Gwapo talaga tong lalaking to e. pero bakit hindi ko siya magustuhan.

"Hello. Dito ka ba naglalagi?" Tanong ko. Hindi ko na inopen yung nangyare. Baka masira lang yung mood naming dalawa. 

"Hindi. May nagyaya lang sakin dito and nakita kita bigla. Bakit magisa ka lang?" Amused nyang sabi.

I just shrug my shoulders. "Gusto ko lang mapagisa."

"Ay, nakakaistorbo ba ko?"

Medyo. Pero of course hindi ko naman sasabihin yan.

"Hindi naman."

"Ang tipid mo magsalita, may problema kaba? Sinaktan ka ba ng boyfriend mo?" Tanong niya sakin. At agad na napunta ulit sakanya ang atensyon ko.

"Boyfriend? Sino?" Nakasalubong kilay ko. Sino pinagsasabi nitong lalaking to?

"Yung sa may swimming pool sa condo? Hinalikan ka pa nga niya diba."

Ah si Dax.

"Hindi ko boyfriend yun." Wala sa mood kong sabi sakanya. Nandito kasi ako para makalimot. Nandito kasi ako para mapagisa. Epal naman kasi tong so Anthony. Imbes na nakakalimot ako. Pinapaalala pa niya.

Fatty To Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon