VOTE, COMMENT PLEASE PO IF YOU LIKE THIS CHAPTER <3
-----
NATURE'S POV.
Umaga ngayon. And we're already here in Bohol. Pagkatapos ng party, ay dumiretso agad kami sa airport. Kami? E sino pa ba. Edi ako, si Coffee, Heaven, Ate Raffy, Kuya Dexter, Dax, Chumpy, kasama si turtle neck girl, Gabby, at ang iba pang mga abay. Pagkadating agad namin sa hotel ay agad na kaming nagpahinga. Sa isang kwarto, may sala at mini kitchen, and 2 bedrooms. Sa isang bedroom may 2 bed, and sa isang room, isang bed lang so hinayaan na namin si Coffee sa isang room na isa lang bed and dun kami sa isa. Talagang pinaghandaan ng magasawa itong stay namin sa bohol. Sobrang ganda kasi ng tinuluyan naming hotel. Well they can afford this kind of thing.
For them, its just a little party outing.
Naligo na kami, at nagbihis. At dumiretso na sa resto ng hotel na yun para magbreakfast. Hindi na kami nagabalang magayos. Lip balm, and shades okay na. Puyat e.
Naabutan namin sina Ate Raffy kasama ang mga boys at ang ibang abay na nagbbreakfast na. Tinignan ko ang paligid, nasa outside area kami ng resto kaya kitang kita namin ang napakagandang dagat.
May seats namang available pero kailangan ba talaga ang seats na bakante ay sa tabi ni Dax?
"Umupo na kayo. At kumain na." Nakangiting sabi samin ni Ate Raffy.
"Nature, dyan kana sa tabi ni Dax." Sabi ni Kuya Dexter.
Tinignan ko si Dax mukang wala naman syang paki, well same here. Umupo na ko sa tabi niya.
Sa tabi ko si Heaven. Na katapat si Gabby at sa tabi naman niya si Coffee.
After magbreakfast ay agad na lumabas kami nila Heaven para magexplore. Namili kami agad ng souvenirs para hindi na namin isipin ang mga pasalubong bago umuwi.
Inabutan na kami ng lunch time kaya bumalik na kami sa hotel na tinutuluyan namin para iwanan lahat ng gamit namin. Then lumabas ulit para maghanap ng kakainan.
Bohol is really a cool place. Madaming kakainan, I'm sure sobrang ganda ng night life dito mamaya. Pinili namin kumain sa may malapit sa hotel. Balak kasi namin bumalik agad, para makatulog. Sobrang napagod kami sa byahe at imagine wala pa kaming matinong tulog.
Hinihintay lang namin ang order namin ng biglang dumating si Gabby.
"Hi girls! Mind if I join you pretty ladies?" Nakangiting sabi niya pero kay Heaven lang naman nakatingin.
"Sure."- Coffee.
"Not at all." - Ako.
"Yes we do mind alis kana." - Heaven.
Sabay sabay naming sagot pero as usual si Heaven na naman ang kakaiba kung sumagot.
"Don't be rude, Heaven." Sabi ko sakanya.
"Ate, madami pa namang vacant seats, I don't know what's his trip at gusto niya pa dito." Sagot niya.
"Well probably kasi kayo lang ang kakilala ko dito?" Mapangasar na sabi ni Gabby.
"I don't know you." Irap namang sagot ng kapatid ko. Minsan gusto ko silang iwanang dalawa kasi parang mga bata. Napakachildish.
"Tama na yan just take a--" Natigil ang pagsesermon ni Coffee ng may umupog grupo sa tabi namin na pamilyar samin.
"Oh! Look who's here. What are these junks doing here in Bohol? Akala ko ba bawal basura dito? " Sabi ni Rebecca at tumayo pa papunta samin kasama si turtle neck girl. Anong ginagawa ng bruhang to dito? And with them! Kasama si Chumpy and si Dax. Sino paba? Arghhh. Nasisira na ang mood ko.
BINABASA MO ANG
Fatty To Sexy (COMPLETED)
Non-Fiction"I will be fine. I'll move on. I'll be sexy. I'll be successful. At pagnangyare yun, magkikita tayo ulit, Dax. Tignan lang natin" Sabi ni Nate. Nate is short for Nature Therese Pascual. A broken hearted girl. A not so sexy girl. Oo mataba siya. Pero...