Chapter 45 : Questions.

28.1K 332 17
                                    

KAUGALIAN MAGBASA NG AUTHOR'S NOTE :)

A/N: First of all, I want to say sorry kung sobrang natagalan ang update. Natuwa naman ako dahil may nagmessage sakin na wag daw ako mapressure na magupdate. Kasi daw naiintindihan daw naman niya ako na busy ako. Hihihi. Sana maintindihan niyo rin guys. Kung sino ka mang nagmessage sakin, para sayo yung next update ko. May nauna na kasi sayo magpapadedic, though hindi ka naman nagpapadedic gusto ko pa rin. Maraming salamat sayo. :) <3

VOTE, COMMENT if you like the chapter. It will always up to you but sana madami ang nagandahan para magkatumbas ang reads and votes :)

This is for @kimkar! Told ya girl, I'm going to dedicate this chapter for you! Salamat at nagustuhan mo tong story ko :)

PARA DIN SA LAHAT NA NAKAPAGHINTAY NG UPDATE KO. SOBRANG SALAMAT! <3 :)

----

NATURE'S POV.


Here we go again. He's here, and I'm here. Asking me questions that I can't answer. Pero pwede ring alam ko ang sagot ayaw ko lang sabihin sakanya. Kahit sino naman nasa kalagayan ko hindi rin masasabi ang dahilan. Hindi naman sa nagpapakaselfish ako dito, pero wala rin naman akong mapapala kung sabihin ko ang dahilan. He doesn't love me back. Kahit saang anggulo tignan.

Tumayo ako at akmang aalis na nang hinawakan niya ang kamay ko para pigilan. Napatingin ako sakanya. Namiss ko siya. Tumingin ako sa kamay niya na hawak hawak ako. May nararamdaman akong kuryente. At biglang naalala yung nangyare samin. Namula ako at binawi ang kamay ko.

"What do you want Daxis? I'm leaving. Kalimutan mo na ang nangyare wala na yun." Sagot ko na hindi nakatingin sakanya. Ayaw ko siyang tignan. Baka dahil sa sobrang pagkamiss ko sakanya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko at yakapin ko siya. Sobrang namiss ko siya. Pero hindi pwede e. Masasaktan lang ako at aasa. 

"As I can see, hindi ka pa aalis. Hindi mo pa nga nahihithit masyado ang yosi mo. And half pa lang nauubos mo sa frap mo." Maangas niyang sabi. "Kalimutan? Nagpapatawa kaba?" Napaangat ang isang kilay ko. Nuubos ang pasensya ko.

"Libre kang tumawa kung natatawa ka." Sarkastikong salita ko sakanya. "Pakielam mo ba Dax? Lagi mo na lang pinapakilaman ang mga ginagawa ko. Pati ba naman sa yosi at sa frap? Seriously, bakla ka ba?" Tuloy tuloy kong lintanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Gusto ko ng umalis dito. As in gusto ko na. Pero gaya ng una, hinila niya ko sa braso at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napatingin ako sa kanyang labi. Unti nalang ay mahahalikan niya na ko pero agad ko ng binawi ang tingin dun at tumingin ako sa mata niya. Matalim ang binigay ko sakanyang tingin.

"Ano ba!" Singhal ko. Pero hindi siya natinag.

Then he smirked at me. At tinignan niya ko ng nakakaakit. 

"Alam mong hindi totoo yang binibintang mo sakin. Napatunayan na natin yan nung nasa Bohol tayo." Namula ako. At binawi ang tingin ko ngunit binalik niya at hinalikan niya ako. Nagulat ako at hindi agad nakapagreact. Ngunit napapikit din ako. Hindi ko napigilan at sumagot sa halik niya. Kung may makakkita samin ay parang wala kaming pakielam sakanila. Maya maya's naghiwalay ang mga labi namin ngunit hindi niya pa rin ako binibitawan at malapit pa rin ang mukha namin sa isa't isa. Nakatingin lang sakanya at ganun rin siya.

"God, I missed you so damn much." Husky ang boses niya na nagpapula sakin. 

"Bakit mo ko iniwan Nature? Bakit nauna kang umalis sa bohol?" Sa tanong niyang yun ay napatingin ulit ako sa ibang direksyon. Sinasabi ng utak ko na naman na layuan siya. Na ang tanga ko na naman dahil nagpadala ako. Bakit hindi ako magpapadala e mahal ko ang taong nasa harapan ko. Pero hindi nga ako mahal ng taong nasa harapan ko. Agad kong binalik ang isip ko sa reality. Ang layuan siya.

"Ano pa bang kailangan mo Daxis? Kalimutan na natin yun. Hindi na dapat alalahanin na yun."

"How come its easy for you? Ah oo nga pala." Napatingin ako sakanya. Sarkastiko siyang ngumiti. "May Gabby ka panga, at may Anthony pa. Reserba ba? Should I break it to them?" 

Iniinsulto niya na naman ako ngunit wala akong magagawa kung yun ang iniisip niya. Sa dalawang taong binangit niya wala akong ugnayan saknila pero siya may ugnayan pa rin kay Rebecca.  Hindi ko rin alam kung sapat na bang TANGA lang ang itawag sakin o idamay mo pa ang bobo. Nararamdaman kong nagiinit na ang sulok ng mga mata ko. 

"Kahit anong sabihin mo Daxis, malaya ka. This is a free country. Malaya kang isipin at sabihin ang mga gusto mong sabihin. Pero hindi mo pa rin mababaliktad ang mundo, hindi mo ko mababaliktad sa mga ginagawa mo. Now, tell me, pano si Rebecca? Should I break it to her also?" Panggagaya ko sakanya. Nagsalubong ang tingin niya.

"Why do you always bring up Rebecca? Hindi siya ang issue dito! Tayong dalawa!" Tumawa ako na peke. Nasasaktan nako masyado. Hindi naman niya kailangan ipakita na mahal niya talaga si Rebecca. Kailangan niya pang protektahan pero pag ako, hindi kailangan niya pang mandamay ng ibang tao na wala naman talagang something sakin. 

"E ikaw? Bakit lagi mo binabangit si Gabby and Anthony!? Pag ako pwede ka magbring up pag ikaw bawal? Ang unfair mo!" Napaiyak na ko. Tinitigan ko siya muka naman siyang nagaalala pero hindi niya ko nialalapitan.

"Hindi mo kailangan ipakita sakin nagkecare ka sakanya. Hindi mo kailangan ipakita sakin na mahal mo siyang talaga. Noon pa naman diba? Ngayon, may rason paba tayo para balikan ang nangyare sa Bohol?" 

Hindi siya nakaasagot. At yun ang isa sa mga pinakamasakit na sandali sa buhay ko. He chose her again. Napangiti na lang ako. Kahit dumadaloy ang ang luha ko sa mga pisngi ko.

"Wala ng rason. Bye Daxis."

At umalis na ko sa harapan niya. Minsan talaga ang hirap magmahal lalo na kung hindi ka mahal ng mahal mo.

--------

Xoxo!

Fatty To Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon