Chapter 22: Lunch Date

30.2K 291 8
                                    

NATURE'S POV

“Anong naisipan mo at niyaya mo ko dito?” tanong ko kay Dax. Sa isang medyo mamahalin at kilalang restaurant niya ako dinala. Kanina nung nasa sasakyan kami wala kaming imikan. Hindi na rin ako nakatangi. Ang ginamit naming kotse ay ang kotse ko. Kinuha niya yung susi sakin at sinabing siya ang magddrive. Okay. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumama pero ang alam ko gutom ako. Haha.

Isa pa libre to. Minsan lang ako makakamit ng libre.

Tahimik lang sya, ni hindi man lang nagabalang sumagot sa tanong ko. Well, this is great.

“Since ikaw ang nagyaya sakin dito, libre mo to ha.” Sabi ko sakanya. Ngumiti na sya. Okay good mood na sya ulit.

“Dinala kita dito kasi gusto ko magpaumanhin sa ginawa ko nung nakaraan sa elevator.” Natahimik ako. Di ko naman kasi inaasahan yung pag sosorry nya. Ngumiti ako.

“Wala na yun wag mo na isipin yun.” Sabi ko na hindi nakatingin sakanya. Hindi ko kasi matagalan titig niya sakin e.

After all these years, may epekto pa rin sakin yung mga titig niya. Hindi pwede to e. Ibig bang sabihin nito na may nararamdaman pa ko sakanya? Pero mali e. Hays. Hindi ko na alam kung ano ba dapat isipin ko.

“Nate.” Sabi niya sakin. Napatingin ako sakanya.

“Nakatulala ka. Kain na nandito na pagkain.” At dun ko lang napansin na dumating na pala yung in order naming kanina.

Tahimik pa rin akong kumakain. Hindi ko kasi matangap ang narerealize ko ngayon. Baka naman wala lang to at masyado lang ako puyat kagabi kaya iba ang pakiramdam ko ngayon. At kung ano anong naffeel ko. Tama. Wala lang to.

“Ang lalim siguro ng iniisip mo. Hindi ka nagsasalita e napakadaldal mong tao.” Napatingin ako sakanya. Nakangiti siya sakin. Ang gwapo niya talaga kahit di ko aminin sa sarili ko. Kung gwapo na sya dati nung kami mas gumwapo siya ngayon kahit nagmature ang itsura niya mukang nakatulong pa yun sa muka niya.

“W-wala akong iniisip no.” sabi ko sakanya.

“If you say so.”

Nagayos na ako ng upo. Mahirap nab aka makahalata sya sakin.

“Nga pala. Sasama kaba?”

“Saan?”

“Hindi kapaba nasasabihan nila Ate Raffy?”

“About what?” Wala naman talaga sinasabi sakin. Ano ba yun.

“Anyway, ako na lang ang magsasabi sayo.”

Napatingin ako ulit sakanya.

“After the wedding, diba sa Fernbrook din ang reception?”

“Yes. Diba yun yung sabi kanina.” Sabi ko sakanya.

“After ng party nila, may gift rin sila Kuya sa mga bisitang kaclose niya. We’re going to bohol kasama sila. Pero 3 araw lang tayo. At uuwi na tayo dito sa Manila. Pero maiiwan sila Kuya Dexter sa airport at pupunta naman silang Spain for their honey moon. Sasama kaba?”

Napaisip ako dun. Mukang maganda yun ah. Mayaman kasi sila Dax kaya afford talaga nila ng ganun. Saan ka nakakita ng kasal na may gift din sa mga bisita. Astig lang.

“So kasama ako sa mga kaclose? Nakakatouch naman yun. Nakakaiyak.” At umarte pa kong parang naiiyak. Natawa naman siya.

“Well I wouldn’t be asking you, If not.” He smirked at me.

“Sarcastic.” Nginitian ko siya na parang nangaasar lang. “Anyway, sige sasama ako.”

“Great.” Sabi niya.

Tinuon ko ulit yung atensyon ko sa kinakain ko ng biglang nagsalita ulit siya.

“Gusto mo ba si Gab?”

Xoxo :D

Fatty To Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon