Kindly read the A/N AFTER. <3
This is for @aleleleleleyn Wahahahah sa tuwing nag rereply ako sayo, kailangan ko bilangin lele naduduling me. This is for you friend! Eto na ang dedic mo :D
----
NATURE'S POV.
"Okay, let's stop this. Ano bang meron Tito Eric at naisipan niyo ibenta sakanya ang shares ng Hotel na ito?" Tanong ko sa boss ko. Oo, Tito Eric and Tita Brenda ang tawag ko sakanila. Naging close ko na rin kasi sila and itnuturing ko na rin silang pamilya. Hindi ko nga lang sila tinatawag sa harapan ng ibang tao na 'Tita' and 'Tito'. Sign of formality pa rin cause they are still my boss.Wala na si Daxis sa office na yun dahil nanghingi nga ako ng private time with them. Malaking gulo to. And that jerk! I can't believe that I have a lunch date tomorrow!
"Alam mo Nature, hindi ko alam kung anong nangyayare. Please sabihin mo sakin lahat para maintindihan naming magasawa." Sabi ni Tita Brenda. Napabuga ako ng hangin. Nung nagdadalang tao ako noon dito, alam ng magasawa kung anong hirap ko para pagsabayin lahat ng mga responsibilities ko. I even cried in front of them. Why? Sila lang naman kasi matatakbuhan ko dahil sila lang naman ang makakaintindi sakin. Sila lang naman din kasi ang kasama at kaclose ko nun. They were both really understanding. Lahat ng pagaalaga ay ginawa nila sakin kahit pa nalaman na rin ng parents ko and ni Heaven ang situation ko. I even told them na wag sabihin kay Kuya Dexter ang kalagayan ko.
At first, duda pa ko na hindi nila sasabihin. Mas matanda kasi sila sakin at kay Kuya Dexter. Kumbaga parang magulang na rin talaga namin sila. Hindi ko nga alam kung pano naging kaibigan ni Kuya Dexter sila Tito Eric. Pero ang sabi naman nito, sa business, walang age limit kaya naging magkaibigan ang dalawa. So yun na nga, duda ako na hindi nila sasabihin kasi matanda na sila and they want what's the best for me. Instinct na ata yun ng matatanda like my mom and dad. But to my surprise, naghintay ako sa wala ng ilang buwan na umabot ng 3 taon, walang tumawag sakin galing sa pamilya ni Daxis. Wala. Wala talagang tumawag. Pwede ko rin pala silang pagkatiwalaan. Pero hindi ko sinabi sakanila na kung bakit hindi nila pwede sabihin kay Kuya Dexter na pregnant ako at hindi ko rin sinabi na kung sino ang ama. They were both clueless about me and my daughter's life.
Maybe this is the right time to tell them the truth. Tutal naman naging mabuti naman silang tao sakin. At inalagaan ako na parang isa ako sa mga anak nila kahit naba na may anak rin naman sila sa Pilipinas.
"Okay Tita, Tito, I'll tell the whole story. But please, don't judge me." Naiiyak na naman ako. Nagiging emosyonal talaga ako pag si Daxis ang topic at ang anak ko.
"Alam mong hindi kami ganun kababaw magisip, hija." Madamdaming sabi ni Tito Eric. Napabuntong hininga ulit ako. At tumingin sa kanilang dalawa.
"Si Daxis. Daxis is the father of Nadine, my daughter." Napaiyak na ako at sila naman ay halatang nagulat sa sinabi ko.
KINAUMAGAHAN ay naramdam ko ang pagalon ng kama. Ginigising ako ni Nadine.
"Mommy! yur leyt na! it alyedi ahmmm 1 and 0 Mommy!" Napatingin ako sakanya at nakangiti. Pero ang sama ng pakiramdam ko. Para bang bigat na bigat ako tumayo at hindi ko masyadong mabuksan ang mga mata ko. Idagdag pa ang pagubo ubo ko at pagbahing ko. Pero sinikap kong kausapin si Nadine.
BINABASA MO ANG
Fatty To Sexy (COMPLETED)
Non-Fiction"I will be fine. I'll move on. I'll be sexy. I'll be successful. At pagnangyare yun, magkikita tayo ulit, Dax. Tignan lang natin" Sabi ni Nate. Nate is short for Nature Therese Pascual. A broken hearted girl. A not so sexy girl. Oo mataba siya. Pero...