Kindly read the AUTHOR'S NOTE after.
Sssssss.
----
Three years after.
NATURE'S POV."C'mon Nature, kailan ba kasi ang uwi mo?" Napabuntong hininga na lang ako at lumabas ng veranda. Eto na naman sila kinukulit akong umuwi. E sa okay na ako dito e. Mas okay na ang pamumhay ko dito. Yes, nasa New York ako, alive and kicking.
Nung huling paguusap namin ng nagiisang lalaking minahal ko ay nag pabooked agad ako ng flight papuntang New York. Nung una, nagtataka pa sakin si Heaven kung bakit gusto ko ng umalis, pero naintiindihan naman nya ako. Inayos ko lahat ng kailangan ko, visa, passport, and ang business ko na pinamahala ko na muna kay Coffee kahit alam ko wala siyang masyadong alam sa baking. Di naman niya kailangan magworry dahil kayang kaya na yun ng mga tauhan ko at manager ko. Ayaw ko lang talaga sila mawalan ng trabaho. Besides, nung mga oras na yun naisip ko naman na dadalaw dalaw ako. At after 1 week ay nakaalis na ko agad pagtapos ayusin ang mga dapat ayusin.
And now I can say na hindi mali ang deisyon ko dahil naging okay ang business ko sa hotel na tinayo ng kaibigan ni Kuya Dexter. I still have communication sa manager ko at minsan ay inaupdate ako ni Coffee.
Nung linggo na busy ako sa pagaayos ng mga dapat gawen ay tawag tawag sakin sila Kuya Dexter pero wala akong panahong sagutin. Alam ko naman na kukulitin lang nila ako about kay Dax kaya nagbusy busyhan talaga ako. Araw araw ako umaalis para ayusin ang mga papeles at mga dapat ayusin tipong wala akong panahong kausapin kahit na sino. Nasabi ko na rin sa pamilya ko na ako na lang muna ang magbabantay ng business namin sa New York dahil mukang masaya na si Heaven sa Pilipinas kasama si Gabby. Tutal kaya ko naman pagsabayin yun at para makapagmove on na talaga.
Minsang 2 araw bago ako umalis ng Pilipinas, ay naginitiate si Heaven at Coffee na kausapin ako about kay Daxis. Pinigil ko agad yun at sinabi sakanilang wag silang magkkwento na tungkol sa lalaking yun kung hindi di na ako babalik ng Pilipinas. Mukang nakinig naman ang dalawa at hindi na ulit nagsalita about kay Dax.
"Alam mo Coffee, bago mo ko pauwiin dyan sa Pilipinas, ayusin niyo muna ni Chumpy ang marriage niyo. Hindi yung lagi ka na lang nasasaktan. Ano ba? Di kapa ba talaga napapagod?" Narinig kong bumuntong hininga siya. Yes, kinasal sila. Kailan? 1 year ago. Hindi ko rin alam kung ano nangyare, pero ang alam ko lang, Coffee is not happy. Not at all. Puro pasakit ang binibigay ni Chumpy sakanya. Cause its only a fixed marriage.
"Listen Nature.." Nanginginig ang boses niya. Alam kong iiyak na naman siya. Pero parang pinipigilan niya ito. Sa tagal ko dito sa New York, sa tuwing tumatawag siya, lagi na lang siya umiiyak, pero iba na to ngayon. "T-this time, I can't take it anymore, I called my lawyer yesterday for annulment."
Napatigil ako. Mukang nagiisip na nga ng matino ang kaibigan ko. "Anong sabi ni Chumps about it?" Tagal ng katahimikan. "Hello, are you still there?" Sabi ko ng hindi siya nagsasalita.
"Yes, I'm still here.." Halatang umiiyak sya pero pinatatatag niya ang sarili niya. "W-wala. Wala akong alam kung ano reaksyon niya, kasi Nature, nandito ako ngayon sa Baguio. Mga two weeks na."
Nagulat talaga ako sakanya. Kung kanina ay okay pa siya, kaya pa niya, ngayon humahagulgol na siya. Inopen ko pa kasi e, pero kung di ko sinabi yun mawawalan ako ng balita sakanya.
BINABASA MO ANG
Fatty To Sexy (COMPLETED)
Non-Fiction"I will be fine. I'll move on. I'll be sexy. I'll be successful. At pagnangyare yun, magkikita tayo ulit, Dax. Tignan lang natin" Sabi ni Nate. Nate is short for Nature Therese Pascual. A broken hearted girl. A not so sexy girl. Oo mataba siya. Pero...