Chapter 20: Rehearsal Day Part 1

31.6K 308 10
                                    

Pasayahin niyo nga ako? Hahaha!

Hays.

Anyway, thankyou ha! Sa pagsupport sa story ko. Sobrang natutuwa ako. :* :)

Pasensya na kung ngayon lang naguupdate. Buti na lang wala pang nagdedemand na magUD agad, baka magalit kayo sakin. Hahaha!

Vote, Comment, Suggest. Kung gusto niyo lang po :*

Sssssss

---

NATURE'S POV.

After that elevator scene, I really don't know kung ano paba dapat kong isipin. Napahiya ako.

Me and my big mouth.

Bakit ko naman kasi nasabi yun sakanya? Ayan, ako pa tuloy ang nagprovoke sakanya na pahiyain ako. At nagagalit ako sakanya kasi ginawa nya yun! Arrghh.

Hindi kami nagkita nung nagcake tasting sila Ate Raffy and Kuya Dexter. Dahil yung couple lang yung pumunta. Even Coffee, hindi rin siya pumunta. Di ko alam kung anong nangyare sakanila ni Chumpy. But whatever it is, I know nasaktan na naman yung bestfriend ko. Ano ba kasi? Martyr lang?

Hay. Tapos na ko dun. Hindi na ko maloloko ulit ng lalaking yun. Tssk.

Lumipas ang isang linggo, hindi ko nakita si Dax. Mas okay yun kasi walang magulo sa pagtatrabaho ko. Nagring ang cellphone ko.

Unknown Number.

"Hello." Sabi ko.

"Nate."

Bigla ako natigilan. Kilala ko tong boses na to. Pano niya nalaman nunber ko?

"Why, Dax?" Cold yung boses ko. Yung tipong halata talaga na ayaw ko sya kausap.

"Binigay sakin ni Kuya yung number mo. I just call to say na may rehearsal tayo for entourage tom. Pinapasabi nya lang sayo. Anw, gotta go. Text ko na lang kung saan and anong oras. Bye."

"Wai-"

*toot toot toot toot

Okay. Nababaan ako ng telephone. Nice. Wala na bang mas babastos sakanya? Sa sobrang inis ko, napasigaw na lang ako.

UMAGA daw kailangan nasa Fernbrook Gardens at New Alabang na ko. Isa syang place na pwede ka dun ikasal and at the same time pwede na rin yung reception mo dun.

Pagdating ko lang dun, Namangha na ko. Parang feeling ko e nasa ibang bansa ako sa sobrang ganda, ang galing ng gumawa nung lugar nito.

Naglibot muna ako saglit. Medyo maaga pa naman ng 5 mins.

Sa sobrang nga nga ko sa kagandahan ng lugar na yun e lumagpas ng 5mins ang paglilibot ko at umabot ng 20mins

Napamura ako. Nalate pa tuloy ako. Sabi pa naman ni Dax sa text nya sakin kagabi on time daw dapt dumating. Hay!

Pumunta muna ako sa powder room para magayos. Tinignan ko muna ang ang reflection ko sa salamin. I was wearing a white dress na above the knee ang haba. Para syang sunday dress. Yung kulot kong buhok e nakapony tail and nakashades ako. Ang laki kasi ng eye bags ko. Nakakahiya. Pagtapos ko magayos ay pumunta na ko sa meeting place namin.

Pinuntahan ko ang isang hall na nakaassign para sa wedding nila Ate Raffy. Pagdating ko dun I made a noisy sound na to the point e napatingin silang lahat.

I'm so embarassed!

"Sorry."

May mga ibang girls and guys dun na hindi ko kilala. Nakita ko kagad si Ate Raffy, Kuya Dexter. Si Chumpy ay nakatayo sa may gilid habang nagiisp ng malalim at di man lang napansin ang pagiingay ko. Hmm something smells fishy. Pero mamaya ko na lang aamuyin kung ano yun haha! Beside him is Dax who is busy staring at me again.

"I'm sorry I'm late Ate Raffy, Nagikot ikot kasi ako dito. Sobrang ganda kasi."

Ngumiti naman yung engaged couples.

"Its okay, Nature. Napakaganda naman talaga nitong lugar." Nakangiting sabi ni Kuya Dexter.

"Kaya nga dito ko naisip ikasal at reception rin e. ikaw pwede ka rin dito." Nakangiting sabi ki Ate Raffy sakin.

Tumikhim si Kuya dexter at tumingin kay Dax. Okay. Ayan na naman si Kuya Dexter. Sobrang lakas na naman mangasar.

"Ay no thanks ate. I mean this is beautiful, but kung ikakasal man ako, I prefer beach wedding." Nakangiti kong sabi.

"Ako, pakakasalan kita dun." Sabi ng isang guy na nandun. Gwapo rin sya. Pero kung ikukumpara ko kay Dax, so Dax pa rin ang gwapo para sakin. WTF? ano pinagsasabi ko? anyway, Abay din siguro. Mukang mabait. Pero mukang maloko. Lahat tumawa. S Dax lang ang hindi.

"Ay hindi pa kita naiintroduce sa lahat, everyone this is Nature. Nature, everyone."

Sabay sabay silang nag hi sakin.

"Dexter, please introduce me personaly to this gorgeous lady in front of me." Sabi nung guy na nagsalita kanina.

"Sure men! Nature, this is our friend, Gab. Gab this is Nature." Pagpapakilala samin dalawa.

Nginitian ko siya. Ganun rin sya.

At inilahad ko ang kamay ko saknya for shake hands.

"Nature, very nice meeting you."

"Same here" sagot ko.

Bumaling sya kay Kuya Dexter.

"Pre, pwede bang sya na lang ang partner ko?"

"Hindi pwede Gabby. She's my partner. She's mine."

Napalingon ako. Only to find out na si Dax pala ang nagsalita nun.

--

Pasensya na maiksi lang UD. Huhuhu. Inaantok na kasi ako. sobrang busy kasi sa school.

Don't worry, Part one lang to ng rehearsal day. May kasunod paaa.:)

If may typo errors or grammar na mali edit ko na lang next time. Inaantok na kasi talaga ako. Hahaha!

You can search Fernbrook Gardens at the internet. Nakapunta na ko dun, and sobrang ganda. :) hehe share lang!

Xoxo

Fatty To Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon