NATURE'S POV.
"So buo na talaga ang desisyon mo?" Napatingin ako kay Heaven habang kumukuha ako ng product dito sa grocery. Sya lang naman ang kasama ko ngayon kasi si Coffee ay hindi pa rin nagpapakita simula nung dumating sya dito. Sa totoo lang nakakatampo na ang babaeng yun dahil nakasama nya lang si Chumpy sa Bohol, nakalimutan niya na ko. Pag tumatawag ako sa office nila lagi siyang busy o wala.
Hindi ko alam kung ano nangyayare na sakanya. I'm her bestfriend but she kept on ignoring me. Ang dami ko ng gusto ikwento sakanya. Lalo na yung offer at ang desisyon ko.
Simula nung huling kita namin ni Dax sa MOA, naging malungkutin na ako at laging nagkukulong sa kwarto. Naging kabaliktaran ko si Heaven na naging masayahin ng nakaraang linggo. Maybe because of Gabby that's why she's happy. Samantalang ako nagmumukmok lang at minsan lang pumunta ng bakeshop. My parents were already asking Heaven what's happening to me but she can't answer them. Hindi kasi ako nagalalabas ng sama ng loob kay Heaven nung nakaraang linggo, thinking she can't understand me. But to my surprise, naiintindihan niya naman ako hindi niya lang matangap ngayon ang napagdesisyunan ko sa offer na binigay ng kaibigan ni Kuya Dexter.
"Please Heaven, I don't want to talk about it." Syempre hindi naman makikinig si Heaven sakin. Simula nung araw na dumating yung offer na yun sakin hindi na ko nakatulog. Nagiisip kasi ako ng desisyon ko. At pagkatapos ng 1 linggo, ay nakapagisip na ko. Naisip ko nga siya habang nagiisip ako, napaiyak na naman ako. Ang hirap talaga magmahal.
"Kasi naman Ate, halata namang di ka pa sure sa sarili mo na tama ang desisyon mo. Everything will change pag ginawa mo yun. Including your heart." Naglalakad kami ngayon sa grocery. Siya niyaya ko dahil wala ng stock sa bahay. Hindi ko naman alam na hangang dito e sesermonan niya ako.
"I said, I don't want to talk about it Heaven. Mamaya kakapush mo ng usapan natin, magbago ang isip ko. Yes it includes my heart, that's why I'm doing this." Nakairap kong sabi sakanya at nauna na sakanya hawak hawak ang cart ko.
Ayaw ko na kasi talga pagusapan. To me, I'm done. Done with all these bullshit in my life.
Yes, pupunta ako sa ibang bansa para makalayo sa heartaches dito sa Pilipinas. Para kasing polusyon e. Nakakamatay.
"Ang mahal naman ng moving on mo." Napalingon ako kung sino yung nagsalita, only to find out na siya na naman. Seriously, after ko maglagi sa bahay ng mga magulang ko, dito ko pa talaga siya makikita. And pano niya naman nalaman yung.. Oo nga pala kapatid niya nga pala si Kuya Dexter.
"Let's go Heaven." akmang hihilahin ko na si Heaven ng ako ang biglang hinila niya.
"Ano ba Dax, nasa public tayo, let go of me!" Bakit ba ang bilis para sakanya na kalimutan lahat ng ginawa niya. Kaya nga ako umiiwas para makalayo sakanya, and I even accepted the offer para nga makalimutan siya. Hindi ako pwede magpadala sakanya ulit. Hindi na ba ako napapagod. Sobrang tanga ko na, idamay mo pa ang bobo.
"No! Just once, sumama ka lang sakin na hindi ka pumapalag, please..." Nagulat ako ng parang nagmamakaawa ang boses niya at ang mga mata niya. Napatahimik na lang ako. Tinitigan niya ko saglit at lumingon na siya kay Heaven. "Ako na bahala sa Ate mo. Ihahatid ko na lang siya."
----
READ THIS!
Dapat nung wed ko pa to ipapublish, ang nangyare hindi ko napublish.
Guys unting pasensya and unawa hinihingi ko. Hindi ko naman kaya na magupdate dahil sunod sunod ang mga requirements na ginagawa sa school at nawawalan ako ng oras magupdate. Gaya niyo gusto ko rin sana iupdate to kaso wala talagang time e. Katulad ngayon, finals pero pinilit ko pa rin gawen siya nung wed yun nga lang hindi ko napublished marahil siguro na puyat, pagod at may sakit ako nun. Thank you sa mga nakakaunawa, at sa mga hindi, pasensya na talaga. :*
SORRY MAIKLI LANG TO. NAGIISIP PA KO KASI NG SUSUNOD. MAMAYA UPDATE ULIT NUNG PART TWO NITO.
xoxo.
BINABASA MO ANG
Fatty To Sexy (COMPLETED)
Non-Fiction"I will be fine. I'll move on. I'll be sexy. I'll be successful. At pagnangyare yun, magkikita tayo ulit, Dax. Tignan lang natin" Sabi ni Nate. Nate is short for Nature Therese Pascual. A broken hearted girl. A not so sexy girl. Oo mataba siya. Pero...