Chapter 47: Decided Part 2.

26.1K 374 37
                                    

READ THIS.

A/N: THANK YOU! Naunawaan niyo ko. Thank you rin sa mga nakapangunawa pero bumanat ng update. Hahaha. So funny guys. Anyway, this part two of chap 47, will be the POV of Daxis. :)

i'm sick again. I hope gumaling na ko. :(

POV ni Daxis to bago yung Chap 47 decided part 1.

------

*Before the grocery scene.

DAX'S POV.

Another glass of scotch on my left hand. I can't accept the fact that Nature is still avoiding me. Hindi ko na nga alam ang gagawen ko. Inaasahan kong dadating siya at babalik sa condo na pagaari ko pero hindi pa rin siya bumabalik. Nilagok ko ulit ang natitirang alak sa baso ko at nagsalin ulit.

Nandito ako ngayon sa bahay ng mga magulang ko. Sa may Bar area. Nakabalik na rin sila Kuya dito ngayon galing honeymoon nila. Maya maya'y dumating sya at mukang inaasahan niya na talaga na makikita niya ako dito.

Bakit nga ba ako nandito? Simple lang, ayaw ko sa pad ko mismo maginom dahil mas lalo lang akong maiinis at magagalit sa sarili ko. Sobrang tanga ko naman kasi para isagot ang mga bagay na yun kay Nature. And the hell! Di ako nakasagot ng tanungin niya ako about kay Rebecca. Wala naman talaga akong pakielam sa babaeng yun e. Sya lang lapit ng lapit.

"Alam mo, kung lulunurin mo ang sarili mo sa alak, bumili ka ng iyo. Uubusin mo yung stock ng bahay natin." Pabiro niyang sabi. Tinignan ko siya ng masama at binalik na lang ulit ang tingin ko sa baso ko.

"I'm not in the mood, Bro. Just stop teasing me for a while. Baka madamay ka sa init ng ulo ko." Sagot ko sakanya. Itinaas naman niya ang dalawa niyang kamay na parang sinasabi na sumusuko siya.

"Okay, okay, I mean gusto ko lang naman makatulong." Napabuntong hininga na lang ako. I'm not usually like this. I hate being like this. Pero umiinit talaga ang ulo ko pag si Nature ang problema ko.

"Si Nature ba problema mo? Napapansin ko kasi na pag siya ang nagiging problema mo, nagiging short tempered person ka, which is good." Kumuha siya ng baso pagkasabi nun at nagsalin rin ng alak sa sariling baso niya.

"What do you mean?" Nakakunot noong sabi ko sakanya. This better be good, or I'll punch him in his face kahit kapatid ko siya at mas nakakatanda sya. Ganito ako kabadtrip ngayon dahil sa problema ko. 

"What I mean is bro, sakanya lang naman lumalabas ang mga emosyon na hindi mo mailabas." Umupo siya sa tabi ko. Hindi ko pa rin siya maitindihan. Minsan lang kami magkaroon ng conversation na katulad nito pero pag nagkaroon seryoso talaga. Tumingin ako sakanya at tahimik na nakikinig. " You know what Dax, ang mga babae, fragile yan. Hindi mo sila pwedeng saktan dahil pagsinaktan mo sila, mas doble pa ang sakit na mararamdaman mo na naramdaman nila nung una. Like what's happening to you now."

Mas lalo akong napatahimik. Nasasaktan ba talaga ako ngayon?

"Alam ko di mo pa inaamin sa sarili mo na mahal mo siya. Transparent ka naman. Kitang kita yung mga nilabas niyang emosyon sayo na pilit mo tinatago nung mga nakaraang taon dahil nagbreak kayo. Alam ko naman din na minahal mo siya dati kahit ganun ang itsura niya."

"What? C'mon." Iritableng salita ko hindi ko naman kasi alam kung ano isasagot ko sakanya.

"Bakit hindi ba? Sabagay sino bang magmamahal ng tunay dun sa ganung kataba at pang--" Hindi na niya tinuloy ang asalita niya ng bigla ko siyang tinulak. Nahulog siya sa sahig but I don't care! Wala dapat manginsulto kay Nature! 

Akmang susuntukin ko na siya ng tumawa siya. "Why are you laughing!? Do you think this is funny!? Bullshit!" Sigaw ko. Pero hindi siya natinag at inakbayan niya ako. Galit na galit ako sakanya. Kung pwede lang siyang sipain sa muka ginawa ko na kanina pa!

"See? Minahal mo siya noon, Daxis. Hindi ka lang marunong maging proud because of hyprocrites in this world. But you knew from the start that it wasn't just a bet game. You were attracted to her even she's not perfect." Dun ako napakalma. Dun ko narealize ang mga sinabi niya.

"Nobody's perfect actually my dear bro. Even you, she accepted you despite of being a jerk and an asshole way back then. Quits lang kayo noon. And now, nung gumanda siya, naging sexy, halatang halata sayong ayaw mo siyang ipaubaya sa iba. E kung umaamin kana kasi sa nararamdaman mo ng hindi mo pinahihirapan ang sarili mo?"

Hindi ko man maamin, pero kahit magpagkaloko tong kapatid ko, may matutunan rin naman pala ako. Hindi ko na alam kung ano paba ang dapat ko gawen ngayon sobrang naiinis ako sa sarili ko.

"Pano pag di na niya ko tangapin?" Tanong ko sakanya na hindi makatingin. Hindi ako makatingin sakanya dahil nahihiya ako sa problema ko na ako rin naman ang gumawa.

"Why will she do that?" kinuwento ko sakanya lahat lahat ng nangyare pati yung sa Bohol at sa MOA. Nakikinig lang siya at hindi ako iniinterrupt sa mga sinasabi ko. Nung matapos na ay napahawak siya sa kanyang baba at tumingin sakin na parang nadisappoint siya. Napayuko na lang ako. I'm an asshole alright!

"If she won't accept you, you must respect her decision. Naiintindihan ko siya dahil ilang beses mo na sya nasaktan. But don't give up on her."

"I won't." Determinado kong sabi. Hindi talaga ako susuko hangat di bumabalik sakin si Nature.

"Kailangan mong bumawi agad, dahil ang alam ko, pumunta dun yung kaibigan ko at inooferan siya ng job sa NY. And they think she will accept the offer at iiwan ka dito Daxis." Tinignan ko yung muka niya muna kung nagbibiro ba siya pero hindi.

"I'm serious." Sabi niya. Pagkasabi niya nun ay umalis ako agad at naisip na hanapin agad si Nature. Narinig ko pang nagpaalam sakin si kuya. I'l thank him soon pag naging okay kami ni Nature, but for now I need my baby back.

----

What can you say about Dax's POV? Umamin na siya. What if he's too late? Tsk:))) Just wait for the next update. :) VOTE, COMMENT IF YOU LIKE THIS CHAP. :*

Xoxo 

Fatty To Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon