Sorry now lang update. Phone lang gamit. Bukas update ulit ako. :*
------
NATURE'S POV.
Nagising ako sa lamig na naramdaman ko. Minulat ko ang aking mga mata pero hirap na hirap ako. Inikot ko ang paningin ko sa paligid kahit na nahihilo at hirap na hirap ako.
Manly. Yan ang impresyon ko sa kwarto kung saan ako nakahiga ngayon. And holy fuck. Nakawhite shirt lang ako and boxers ng lalaki. As in, sinong nagbihis sakin? Yung bra ko wala na sa hinaharap ko. Tinignan ko rin ang ibaba ko baka pati panty ko tinangal na. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko pang suot ko ang ipang baba ko.
And then I remember kung sino ang nagdala sakin at kung kaninong kwarto to. Namula ako. At iniisip ko pa lang na sya ang nagtangal ng saplot ko sa katawan ay parang may kuryente akong nararamdaman. At the same time, nahihiya ako. My gosh. Nakakahiya. Gusto ko rin syang awayin, sino nagbgay sakanya ng pahintulot na hubaran ako at bihisan!
Pero nilalamig pa rin ako. At alam kong nilalagnat pa rin ako. Kung aawayin ko siya alam kong wala naman akong lakas na gawen yun. Napabuntong hininga ako.
Napabalikwas ako ng maalala ko si Nadine! Agad kong kinuha ang bag ko na nasa gilid ng kama. Hirap na hirap akong tumayo. Pagkakuha ko bumalik ako sa kama.
Tinignan ko ang iphone ko. 5 missedcalls galing kay Mr. Samson. 2 missed calls galing sa yaya ni Nadine at isang message galing sa yaya ni Nadine. Napatingin ako sa orasan. Shocks, 7pm na pala! Di man lang ako ginising ni Daxis!
Tinignan ko muna yung text ng yaya ni Nadine. Sabi nito na hinahanap na ko ni Nadine at umiiyak na. Oh my gosh, my baby. Agad kong dinial ang number ng yaya ni Nadine.
"Hello? Yaya. Si Nadine?" Sagot ko na hinang hina. Gusto ko ng umuwi. Tumayo ako at kinuha ang mga damit ko na nasa gilid lang din ng kama ni Dax.
"Ate eto po kumakain. Kausapin niyo po. Kanina pa po siya umiiyak at hinahanap kayo. Pinatahan ko lang po." Sabi nito saakin.
"Okay put her on the phone." Sabi ko habang naghuhubad.
"Mommy! Where are yuuuu!!? I mish yu Mommy." Sabay ngawa. Mas lalo ko tuloy nadesyinunan na umuwi. Hirap na hirap ako maghubad dahil masama pa talaga pakiramdam ko.
"I'm sorry baby. I'll come home later. But don't wait for me okay? You better sleep early cause you have a class tomorrow."
"Syuuur Mommy! But plish come hom too. You also have a work tomorrow mommy, remember?" Natawa ako sa sinabi niya. Bukas na lang pagluluto ko siya paguwi ko. Sabi ko pa naman uuwi ako agad after work dahil namimiss ko ang anak ko pero nagkaroon naman ng problema. Kailangan ko makaalis dito hanga't hindi pa dumadating si Daxis.
"Opo baby, I will." Sabi ko habang kinukuha ko ang bra ko. At sinusuot iyon.
"Okayshh Mommy. Loveyou!"
Kinakabit ko ang hook ng bra ko ng bumukas ang pinto.
"I'll see you tomorrow. I love you too.." Napatingin ako sa pintuan at nakatayo dun si Daxis. "B-baby." Naituloy ko at pinatay na ang cp ko. Agad akong tumalikod sakanya at balak kuhanin ang mga damit ko para sana magbihis ng kinuha niya iyon at naunahan ako.
"So, you already have a 'baby' in your life." He's not asking me. He's stating a fact. "Hindi ka aalis Nature. You'll stay here hanga't di ka pa magaling!" Napapikit ako sa lakas ng boses niya. Bakit siya nagagalit?
"Dax wag mo ko sigawan. Masama na pakiramdam ko." Nasabi ko sa mahinang tono. Nahihilo ako at nilalamig lalo dahil wala akong damit kundi ang panty at bra ko lang. Lumambot naman ang muka niya.
"P-pwede ko na bang makuha yang mga damit ko? Kailangan ko ng umalis Dax." Nanghihinang sabi ko. Hindi ko na rin kasi makaya ang titig nya sa katawan ko e. Tas tumititig pa siya sa mga mata ko na parang nangaakit.
"You're not going anywhere." Bingay niya sakin yung damit na boxers and white shirt nya. "Yan ang isuot mo. Magpapagaling ka dito sa ayaw at sa gusto mo. Kung makikipagkita ka sa baby mo bukas di pwede. Dito ka lang!" At lumabas na siya ng kwarto. Napaiyak ako. Kasi naman ang sama sama na ng pakiramdam ko at wala akong laban sakanya. Saka bakit ba sya nagagalit. Akala ba niya na ang baby na sinasabi ko, boyfriend ko?
Sabagay hindi naman kasi niya alam na si Nadine ang kausap ko, ang anak namin.
Agad kong kinuha ang damit na bngay niya at isinuot yun. Wala akong magagawa kundi magpahinga dito. Kinuha ko ang iphone ko at tinext ang yaya ni Nadine. Sinabi ko na baka di ako makakauwi ngayon at baka bukas na lang. Nagreply naman agad to. Pagbalik ko ng phone ko sa bag sakto namang bumukas ulit ang pinto ng kwarto.
May dala na si Daxis ng isang tray ng pagkain.
DAX'S POV.
Pagpasok ko ng kwarto ulit ay naabutan kong nakabihis na ulit si Nature. Pero halatang umiyak siya. Siguro dahil nasigawan ko siya kanina. Hindi ko naman sinasadya e. Uminit ulo ko ng makarinig ako ng "I love you too baby" galing sa bibig nya.
Ang tagal kong pinaghandaan ito. Tapos may nag mamayari na pala sakanya?
Lahat gagawen ko para maagaw ko siya.
Wala akong pakielam kung napakasama kong tao dahil gagawen ko yun. Selfish na kung selfish pero di ko hahayaan na mawala pa ulit si Nature sakin.
--
VOTE, COMMENT! :*
Xoxo!
BINABASA MO ANG
Fatty To Sexy (COMPLETED)
Non-Fiction"I will be fine. I'll move on. I'll be sexy. I'll be successful. At pagnangyare yun, magkikita tayo ulit, Dax. Tignan lang natin" Sabi ni Nate. Nate is short for Nature Therese Pascual. A broken hearted girl. A not so sexy girl. Oo mataba siya. Pero...