Chapter 48: Accident.

26.3K 294 30
                                    

NATURE'S POV.

Hindi pa rin ako makapaniwala na napasama pa rin ako sa lalaking to. Nasaan kami ngayon? Nasa isang park. Dito niya ko dinala, for what, I don't know, he said he want to tell me something but he was just not talking. Medyo naguguluhan na ko, at the same time irritated. His presence is not helping me.



Nagbabago ang desisyon ko sa plano kong pagalis, which is not right.


Ayokong bumaba ng kotse. I'm just staring at him, but he's also busy staring at me. Mukang sinusukat niya ba kung bababa ba ko o hindi. I can see longing in his eyes, o guni guni ko lang yun? Maya maya'y sya rin nagiwas ng tingin at bumuntong hininga. Bakit? Kinakabahan ba sya? Saan?


Pagtapos niya bumuntong hininga, at lumabas na sya ng kotse. Akala ko ay iiwan na niya ko dun pero lumipat sya ng pinto ko at pinagbuksan niya ko. Nakamasid pa rin ako sakanya. Hindi ko maiwasan magtaka. Sobrang nawiweirduhan na talaga ako sa inaasal niya. Hindi na ko nakapagpigil at nagsalita ko.

"What now Dax? Can you start now, cause I have a lot of things to do. I should be packing my things. Dapat hindi ako nandito ngayon."

"Why do you have to go?" Napamaang ako sakanya. How come he's acting like this?

"Cut the crap Dax. Ano paba gusto mo?" Bumaba na ko ng kotse at nilagpasan niya. Naiiyak na naman  ako. Pagod na pagod na ko! Ramdam kong nakasunod siya sakin at hinarap siya.

"Hindi ko na alam ang trip mo sa buhay. Ganyan kaba? Hindi ka maintindihan! Sabihin mo na ang gusto mong sabihin ng matapos na tong kalokohan na to!" SIgaw ko sakanya wala na akong paki kung nakatingin sa amin ang mga taong napapadaan samin. 

Kulang ang salitang PAGOD sa lahat ng napagdaanan ko. Hindi ko rin naman kasi alm kung bakit sumama pa ako sakanya. Tanga ko rin. Sadista pang maituturing!

Halata namang hindi niya alam ang sasabihin niya. Pero may gusto siyang ipahiwatig. Napabuntong hininga siya. Hindi itong Daxis na to ang kilala ko.

"Nature, I just want to tell you that please, don't accept the job offer. Wag kang umalis ng Pilipinas. I know wala ako sa posisyon para sabihan ka.." Inunahan niya na ko dapat yun ang sasabihin ko pero naguguluhan pa rin ako. "..but, I need to tell you this, dahil hindi ko na kaya pang m-mawala ka." Nauutal niyang sabi. Napatingin ako sakanya.

Totoo ba tong naririnig ko? Ayaw niya akong mawala sa kanya? Nagiinit na naman ulo ko. Ayaw ko sa lahat, pinasasakit ang ulo ko. Lalo na ng damdamin ko!

"Daxis, ano na naman ba to? Ganyan kaba talaga kagago? Ganyan ka ba talaga kasama!?" Napahagulgol na ko. HIndi ko na kinakaya to. Sinasabi niyang ayaw niya ko mawala pero may Rebecca siya. Another katangahan na naman to e. 

Pero bakit ganun? May nararamadaman akong saya kahit papano. 

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Tumingin ako sakanya. Unting unti na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Imbes na lumayo ako, hindi ko ginawa. Nakatitig ako sakaya habang may mga luha mata ko. Unti na lang at maglalapat na ang mga labi namin pero imbes ulit na tumakbo ako, hindi ko ginawa.

Di ko rin alam kung anong klaseng katangahan to, but I just missed him so much. And when his lips touches my lips, wala na nakalimutan ko na naman ang hinanakit ko. Sumagot pa ko sa mga halik niya.

Hangang sa naghiwalay na ang mga labi namin pero hindi ang mga mukha namin. Hindi ko maexplain   kung ano na naman bang kagagahan to. But I just want to be with the person I love the most. Magsasalita ako but pinigilan niya ako.

Fatty To Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon