Chapter 39: The Wedding Part 2.

32K 338 28
                                    

A/N: Nabitin ba kayo? Hihihihi! Eto na po. Nga pala. may tanong ako sainyo. Ano ba gusto niyong unahin kong story? Yung kay Heaven or kay Coffee? Or iba naman? Hihihihi!

Si Heaven nasa gilid! <3 Si Coffee next chapter na lang! <3

 

THANKYOU sa walang sawang suporta. Nasa nonteen fiction na ulit to and nasa romance na <3 I Love you  talaga. Hihihi If like niyo ng dedication, just pm me  :) :*

BASAHIN NIYO AUTHOR'S NOTE SA BABA. Importante yun <3

Ssssss

---

NATURE'S POV.

Napansin ko si Coffee habang inaayos kaming entourage. Hindi siya halos makatingin kay Chumpy. Naiilang siguro siya. E pinili niya yang trabaho na yan e, panindigan niya. Hihihi sama kong kaibigan no? Pero syempre joke lang yun. Nagaalala pa rin naman ako sakanya. 

Pero wala e. Naisip ko lang na after nitong kasal, after ng bohol hindi na namin sila makikita.

Masaya sa feeling pero bakit may kumokontra.

Napadaan sa kin parents nila Daxis.  Iniisip ko kung tatawagin ko ba kasi mukang hindi nila ako nakikilala. Huminga ako ng malalim. Ang bastos ko  naman kasi kung hindi ko sila papansinin. Naging mabait din naman sila sakin nung kami pa ni Daxis dati. Ngayon ko lang sila nakita. At hindi ko alam kung asan sila nung dinala ako ni Dax sa bahay nila. And hindi sila nakakadalo ng rehearsals dahil bigla daw nagkaroon ng business trip yung dalawa. Knowing Tita Marisse, gusto gusto nitong nagaayos ng wedding siguro badtrip na badtrip siya nung hindi siya makakatulong. Parehas sila ni Mom e. 

"Tita Marisse, Tito Danny!" tawag ko sakanila at humalik ako sa mga pisngi nila. Merong pagtataka sa itsura nila. Hindi pa siguro nila ako kilala.

"You must be the maid of honor hija. Sister ka ba ni Raffy?" Tanong sakin ni Tita Marisse. Ngumiti ako at umiling.

"Tita, si Nature po ito." Nakangiti kong sabi. Agad bumakas ang pagkagulat sa mga mata nila at bibig nila. Uso raw nga nga e. Haha. Hindi nila ako nakilala kasi nga hindi na ko katulad ng dati. Paulit ulit ako.

"Why! You look stunning hija! Hindi ka namin agad nakilala!" Sagot naman ni Tito Danny. Oh, namiss ko tong dalawang to. Naging mabuti kasi sila sakin dati kahit na ganun itsura ko. They accepted me for who I am hindi katulad ng anak nila. Nevermind na nga lang.

"Oo nga hija, kwentuhan mo naman ako mamaya kung pano mo nakamit ang beautiful body mo. Para naman magamit ko sakin." Sabay tawa ni Tita Marisse. "But of course hija, Joke lang! Usap tayo mamaya ha. Magsstart na yung wedding. Its good to see you again Nature. Pwedeng pwede ka na ulit maging manugang namin." Nangingislap na sabi pa niya. Napaubo naman ako sa sinabi niya.

"Mama, wag mo naman takutin si Nature. Magbalikan na lang sila ni Dax muna bago mo sabihin yan. But I'm also looking forward to that Nature ha?" Hindi ko alam kung ano sasagot ko kay Tito Danny. Ano ba dapat kong sagot? Nakangiti ako pero alam niyo yung ngiting tabingi?

Maya maya pa'y nag Go signal na si Coffee na umayos na sa pila dahil malapit na kami pumasok.

"Oh sige hija magsstart na. Mamaya na lang ha!" At bineso na nila akong dalawa at umalis. Save by Coffee. Napabuga ako ng hangin. Kanina ko pa nararamdaman na may nakatingin sakin. Kaya tinignan ko ang direksyon nung tao na yun. Si Daxis. Hindi ko mabasa ang tingin niya sakin. Pero tumalikod na rin siya. Nakita niya kaya kami nagusap ng parents nila?

Fatty To Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon