Chapter 3
Buong araw kong ini-stalk sa Facebook si Matteo Papa.
I knew how freaking awesome and brilliant I was, but this one was just too much. Nagpasya akong tawagin muna siyang Macho Papa sa panandalian dahil wala akong ideya kung anong pangalan niya. At ngayong nalaman ko naman ay para akong buteteng hindi mapirmi sa isang tabi.
It was a good thing that a man like him actually had a Facebook account. Sigurado akong hindi naman ‘poser’ itong nahagilap kong account dahil mutual friend nga si Xairus.
And speaking of that kalabaw, mukhang malaki ang tampo niya sa akin dahil hindi ko siya pinakopya sa long test sa major namin. Buong araw niya kasi akong hindi pinansin kahapon.
Nagkibit-balikat ako at umiling.
Huwag niya akong paandaran ng kaartehan niya. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng guilt. I was still thankful dahil sa wakas ay sinabi niya na rin sa akin ang pangalan ng kapatid niyang bet na bet ko.
Inisa-isa ko nga rin kanina ang family relationships ni Matteo Papa sa Facebook, and guess what? Marami akong nalaman.
Franchette Andrea Joyce France (Sister)
Philip Nathaniel Rae France (Brother)Kumunot ang noo ko. So, bale apat silang magkakapatid lahat-lahat? Napalabi ako. Hindi naman kasi masalita si Xairus pagdating sa mga ganitong bagay kaya hindi ko rin siya masisisi. At aaminin kong hindi rin naman ako magiging interesado sa mga kadugo niya kundi lang dahil doon kay Matteo Papa.
Napapikit ako nang mariin at maingay na nagtititili sa loob ng aking kwarto. Tuwing naaalala ko kasi iyong malapad na likod niya ay kinikilig ako nang bongga at tumutulo talaga ang laway ko.
Lihim akong natawa sa naiisip. Hindi naman ako ignorante pagdating sa iba’t ibang assets ng mga lalaki pero iba pa rin talaga kasi iyong kay Matteo Papa.
Pangalan pa lang ay pang-winner na.
Biglang kumalabog nang malakas pabukas ang pinto ng aking kwarto. Bumungad sa akin ang pinsan kong may sabog na buhok at may bakat pa ng kung ano sa noo na nakuha yata sa mahimbing na pagkakatulog.
“Jee,” saway niya at saka inis na pinasadahan ng palad ang kanyang sabog na buhok. Mala-Bruno Mars ang datingan, e. Naks?
Umirap ako at nagtaas ng kilay. “Ano? Maingay na naman ako? Hala, sige! Bumili ka ng sarili mong condo o bahay at huwag kang nakikiapid dito sa pad ko!” sigaw ko. Sawang-sawa na akong makarinig ng sermon sa sarili kong pamamahay. It never made sense to me.
My house, my rules.
Bumuntong-hininga siya at napailing. “Just don’t squeal like a hyena, okay? Hindi na kita kaya!” sigaw niya habang nagmamartsa palayo.
“Kuya Jordan! Wait! Please don’t forget to feed LeBron, okay?” pahabol kong sigaw at muling bumalik sa pagkakahilata sa kama.
I sighed happily.
I could spend an entire day just staring at Matteo Papa’s picture.
Napabalikwas ako sa kama nang bigla na namang bumukas ang pinto.
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Ano na naman ba iyon? Uso katok, okay? Wala kang manners.”
Matatalim ang mga titig ni Kuya Jordan sa akin. “Bakit hindi mo pa napapakain si LeBron? It’s past lunch time. Bakit ka nakalimot?”
Nanlaki ang mga mata ko at saka tumili. Napatakip na lamang sa tainga si Kuya Jordan. Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto at tinawag ang susyal kong chihuahua na si LeBron.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Narrativa generaleLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...