Chapter 66

42.2K 1.8K 634
                                        

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 66

Muli akong nagsalin ng Hennessy sa aking shot glass. Kasunod niyon ay ang pagsipat ko sa aking relo upang alamin kung anong oras na.

8:30 pm.

Umiling ako at nilagok ang Hennessy. May naramdaman akong kaunting pagguhit nito sa aking lalamunan. I wasn’t fully aware kung nakailang shot na ako. Nakailan na rin kasi ako.

I don’t know.

Ramdam kong nag-uumpisa nang uminit ang aking sikmura. I feel slightly dizzy, too. The blame doesn’t go on the alcohol solely. Ang sakit din kasi sa mga mata ng gumagalaw na disco lights.

I hummed in approval. Not bad. I didn’t organize this party kaya’t hindi na ako magtataka kung may mga kapalpakan o sabit sa designs. But that’s not my point.

Like I said, not bad. Ang mga pinsan kong lalaki ang nagtulong-tulong upang organisahin ang lahat. I appreciate their efforts to make me happy.

Baka nga ito ang kulang sa akin ngayon—party. Isama na rin siguro sa listahan ang pag-ttravel. Pinag-iisipan kong mabuti ang mga susunod kong plano para sa buhay ko.

Kailangan ko yata talagang mag-soul searching. It feels like I’ve left my soul somewhere over my past hangouts. But then again, ‘siya’ lang naman iyong kasama ko sa mga lakad noon.

Napabuntong-hininga ako at wala sa sariling napayuko. Hinaplos ko ang sequins ng suot kong evening gown at pinaglaruan ang mga iyon.

Pakiramdam ko ay binihisan lang ako ngayon upang iparada ang achievements ko sa buhay. They’re all proud of me. My parents are happy. My relatives are celebrating.

Dapat nga ay masaya rin ako ngayon—pero hindi ko na alam.

“Shit,” I whispered to myself. “Isa pa nga.” Akmang aabutin ko na sana ang bote ng Hennessy ngunit may palad na pumigil sa aking braso.

Napatalon ako sa gulat.

“Rui,” I mumbled as I looked up at him.

Umiling siya at ngumiti. Mapupungay ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. “Don’t drink too much,” aniya sa malumanay na tono.

Napaismid ako. “This is my day.”

He sighed wearily. “I know.”

Inusog ko ang isang upuan palapit sa akin. I tapped the chair. “Dito ka nga,” nakangisi kong sinabi.

Pinagmasdan muna akong mabuti ni Rui before he occupied the seat beside me. Tumaas ang aking kilay. Nakasuot kasi ito ng white hugging muscle shirt at brown cargo pants.

“Akala ko pa naman ay dadamayan mo ako sa pagiging weird ngayon,” I said, laughing.

Kumunot ang kanyang noo.

“You know? Lahat kayo ay naka-casual lang. Ako lang iyong naka-gown na parang timang.” Tumawa ako.

Rui looked shocked, but at the same time, confused. Hindi ko alam kung bakit. Totoo naman iyong sinabi ko, ah?

“Am I really hearing this?” Rui whispered quietly, his eyes never leaving mine.

“Hearing what?” Nagkibit ako ng balikat. “I was stating a fact.”

Rui pulled my chair closer to him. “This is your day, Jee. Your gown is supposed to make you stand out,” malambing niyang wika. “Don’t you like it?”

Hilaw akong ngumisi. “Like the gown or like to stand out?”

Natigilan si Rui, tila hindi malaman ang sasabihin.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon