Chapter 13

103K 2.6K 700
                                        

Chapter 13

Malaya kong iginala ang aking paningin sa buong paligid. Hindi ko alam kung nasaang lupalop ako ng Pilipinas ngayon ngunit isa lang ang napansin kong dominante sa lugar na ito.

Napaliligiran ng naglalakihang mga puno at makakapal na berdeng halaman ang paligid. Tanaw ko mula rito sa bintana na ang dulo nito ay isang talahiban.

Hinimas ko ang aking braso nang tumindig ang aking balahibo. Same old impression. Same old effect. Subalit ngayon ay may naging kinaibahan ito kahit papaano.

Mas naging kalmado ako at wala akong ideya kung bakit.

Maybe, it was due to the fact that he showed nothing but gentleness and caring behavior towards me since yesterday.

Sa ginawa niyang iyon ay naibsan ang pangamba ko. It felt like he was another man. Walang bakas ng pagkatao niyang una kong naranasan.

Bumuntong-hininga ako at umalis na sa bintana. Wala siya ngayon. Kagabi pa lang ay nagpaalam na siyang may lakad siya ‘kinabukasan’ at pipilitin niyang makauwi agad upang makasama ako.

The idea alone formed a lump in my throat. Gusto niya akong makasama. Hindi ko pa rin nakalilimutan ang mga sinabi niya kahapon. He wanted me to allot a day to spend with him every week.

Bakit?

Anong mahihita niya kapag ginawa ko iyon? At ano namang pakinabang na matatamo ko kapag sinunod ko ang gusto niya?

I’d always had a choice. Anumang oras ay p’wede akong tumakas at magpakalayo-layo. Sa oras na pakawalan niya ako sa araw na ito at iuwi sa pad ko ay p’wede akong dumiretso sa Cebu. Kaunting paliwanagan lang kay Mama na gusto kong mag-transfer ng university ay makukuha ko na agad ang approval nito. Madaling kausap si Mama lalo na’t alam niyang nag-aaral naman ako nang maayos.

Once you perform something good, expect that you can make a request and have it approved so easily.

Huminga ako nang malalim at sumulyap sa bedside clock. It was already 9:45 AM, and still, he still wasn’t here.

Paggising ko kanina ay mayroon ng tray na nakapatong sa table. Ipinaghain niya na ako ng breakfast bago pa siya umalis. I wish I had the nerve to ask him where he was planning to go. Umaasa akong kapag nalaman kong matatagalan siya ay makagagawa ako ng paraan upang makatakas mula rito.

But how? Baka maligaw lang ako! Hindi ko alam kung anong klaseng wildlife ang mayroon sa lugar na ito. Ni hindi ko nga alam kung nasaang parte ako ng Luzon!

O kung nasa Luzon pa ba ako?

I was afraid to take my chances and get myself caught again. His kind of patience had already struck an impression on my fragile heart, and now it continued bleeding endlessly. Pakiramdam ko, kapag nakatakas ako ay malalaman at malalaman niya pa rin kung nasaan ako!

Mas mabuti na lang sigurong umiwas ako sa pagsaid ng pasensiya niya.

Napailing ako at naglakad patungo sa kama. Umupo ako sa gilid niyon at inabot ang tray ng pagkain. I wonder if he cooked all of these—sunny side up egg, pork tapa, ham, at mayroon pang mango slices sa gilid na may kasamang pipino.

Bigla ko tuloy naalala kung paanong walang hirap niya akong napakain ng gulay kahapon. It was my first time to eat ampalaya. Hindi naman pala ganoon kapangit at kapait ang lasa lalo na kung masarap din mismo ang isinahog doon!

Uminit ang aking pisngi nang dumapo ang mga mata ko sa hugis-pusong fried rice. Napailing ako at wala sa sariling napangisi. I looked up and saw a post-it note glued onto the glass of milk.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon