Chapter 12
My eyes squinted slowly. Wala pa rin ako sa tamang huwisyo nang tuluyan kong iminulat ang aking mga mata. Agad na sumalubong sa akin ang init ng sinag ng araw mula sa isang kurtina.
My eyebrows scrunched together anxiously.
Closed-space ang kwarto ko kaya’t hindi maaaring may tumamang liwanag ng araw sa loob nito. Nanlaki ang mga mata ko nang parang bulkang sumabog sa aking isipan ang mga nangyari kahapon.
Sinuyod ko agad ng tingin ang kabuuan ng silid. I bit my lower lip as my body stiffened. This room wasn’t mine.
Not mine.
Uminit ang sulok ng mga mata ko habang nakapikit at sinasariwa ang alaala kung paano ako dinakip ng isang estranghero kahapon. My plan was just to get away from my cousins and their friends, but it turned out worse.
I just got kidnapped.
For the second time.
And again, I felt the strong urge of badly wanting to get rid of this nightmare. But how? Ano ba’ng kailangan niya sa akin? Kung pera lang naman ay sabihin niya agad at handa akong magbigay, lubayan niya lang ako! Tantanan niya lang ang paghahatid niya ng takot sa buong sistema ko!
Bumalikwas ako at dahan-dahang umalis sa malambot na kama. Kung sa ibang pagkakataon ay maglalaan siguro ako ng oras para suriin at puriin ang mga muebles na nakikita ko sa kwartong ito.
But I was too tense to do shit!
Sinubukan kong gumalaw nang hindi lumilikha ng kung anumang ingay. I didn’t want him to know that I was already up. I was too scared. Hindi ko alam kung ano ang takbo ng isip niya.
At saka ko lang napagtantong iba na ang suot ko ngayon.
Napalitan na ito ng isang puting sando at kulay pink na pajamas. Mabilis ang tibok ng puso ko nang silipin ko ang suot kong panloob. Napakuyom ang aking kamao nang matagpuang pati iyon ay napalitan na rin!
“What in the fucking world…” mariin kong bulong sa sarili.
Humakbang ako patungo sa pinto at akmang bubuksan na iyon nang maingat ngunit bago ko pa tuluyang magawa iyon ay tumama sa aking paningin ang isang pirasong papel na nakapaskil doon.
‘If you’re awake, press the red button beside the door and put the blindfold on. You should know better than defying me.’
Napasinghap ako at tuluyang nalaglag mula sa mga mata ko ang mga butil ng luha.
“Ano bang nagawa kong mali at pinarurusahan ako nang ganito?” paos kong sinabi sa sarili.
Walang pa ring patid ang aking tahimik na pagluha bago bumaling sa isang panyong nakasabit din mismo sa seradura. Napahikbi ako habang inaabot iyon. Everything was polishedly planned. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay hahangaan ko ang scheme na ito. Plantsado ang lahat. Pero ang mangyari ang lahat ng ito sa akin?
Who would even wish to be in this kind of situation!
Huminga ako nang malalim at nanginginig na piniringan ang sarili. My heart was still beating erratically. What’s good in the morning when you’d just wake up to this?
Nothing.
Nunca.
Labag man sa kalooban ko ay pinindot ko na ang red button sa pader na malapit sa pinto. He was right. I should know better. The last time I fucked with his patience, it didn’t end well!
Marahas akong bumuga ng hangin at pilit na isinantabi ang mga mapapait na alaalang iyon. Ngunit maiiwasan ko bang hindi makaramdam ng panic?
Paano kung maulit iyon?

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
General FictionLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...