Chapter 1
“Itong mahirap kapag mahaba at pang-pogi ang pangalan, e. Naghihikahos ka sa pagsulat sa mga weird boxes na ito—pati na rin sa pag-shade ng mga letters.”
Nilingon ko ang kaklase kong reklamador ngunit inutil naman.
His name was Xairus.
Siya na yata ang pinaka-vain na nakilala ko sa buong mundo. Tuwing magsasalita siya, hindi mawawala ang pagbubuhat niya ng bangko sa kanyang sarili. Ni wala ngang dating sa akin iyong pangalan niya, e.
Like ew?
May pinasasagutan kasing survey sa amin ngayon tungkol sa pulitika at alam ko kung bakit siya nagrereklamo. Iyong format kasi ng survey ay parang NCAE noong high school. Like duh? College na kami. Hindi ba dapat ay mag-level up din naman sila sa formatting pagdating sa mga ganito?
Xairus sighed dreamily. “Ang sarap sa matang titigan ang napakagwapo kong pangalan.”
Napairap ako sa kawalan.
Ganoon talaga siguro kapag kulelat sa academics. Sa tingin ko ay bumabawi na lang siya sa iba pang mga aspeto tulad ng pisikal na anyo at karangyaan.
Really? Para sa akin ay mukha siyang kalabaw na ibinilad sa loob ng 365 na araw. Ngumisi ako at mabilis na tinapos ang survey. Tumayo ako mula sa upuan at nilapag iyon sa table ng aming professor.
Napa-adjust si Sir Pelaez ng salamin at tumango sa akin. Humarap ako sa klase at inirapan silang lahat.
Bakit hindi?
Bumalik ako sa aking upuan at hinalungkat ang bag ko. Hinanap ko iyong ‘kikay kit’ ko. Yes. Dapat palagi kang mag-retouch, ano? Paano na lang kung biglaan mong ma-meet si ‘forever’ subalit sa kasamaang palad, mukha kang kalabaw na nabilad sa loob ng 365 na araw noong moment na iyon?
Like Xairus.
No fucking way.
“Psst?”
Nagtaas ako ng kilay kay Xairus. Oo, sa kamalas-malasan nga naman ay naging seatmate ko pa ang inutil na ito.
According to Kabalarian Philosophy, wala raw mataas na ambisyon sa buhay ang sinumang nagngangalang Xairus. Wala silang tiwala sa sariling kakayahan kaya’t kalaunan ay takot na silang subukan ang isang bagay.
I couldn’t look for any more description that would perfectly describe Xairus, my seatmate.
Walang palya, friend.
“Anong sagot sa seventeen?” tanong ni Xairus na mukhang nangangapa talaga.
Halos mag-palpitate ang kilay ko. Birdbrained talaga siguro ang isang ito?
“Survey nga, hindi ba? Ano ba? Hindi nakakagwapo ang pagiging tanga, alright? Mukha ka na ngang kalabaw tapos shushunga-shunga ka pa.” Umirap ako at hinawi ang aking buhok.
Hindi kinakaya ng 185 IQ ko ang kamangmangan niyang taglay. He was just too pathetic. Hindi ko na siya pinansin hanggang sa matapos ang klase kahit kalabit siya nang kalabit.
Ano na naman?
Huwag niya sabihing gusto niyang masampolan ng bibig kong machine gun? Napailing ako sa aking isipan.
“Jee naman? Magpapatulong lang naman sana ako. Ang hirap kasi ng isang tanong kanina. Parang naalog yata ang utak ko roon? Fuck,” ani Xairus habang naglalakad kasabay ko. Papunta kasi ako ngayon sa cafeteria upang kumain.
Si Xairus ay isang feeling close na nilalang. Para siyang kuto.
I rolled my eyes. “Walang naalog kasi wala ka niyon. Gago ka ba?”

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Ficción GeneralLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...