Chapter 6
Buong sandali akong natahimik simula nang pumasok kami sa isang lugar na sa tingin ko ay isang bahay.
Kung hindi bahay, baka isang silid.
Iyon lang ang naiisip kong posibilidad dahil nakaupo ako sa isang malambot na sofa. Hindi na ako umimik magmula kanina.
Nang mangyari iyon. Nang hawakan niya ang ginintuan kong dibdib.
Hindi ko akalain na ang isang tulad niyang Oplan lang ang unang makaka-second base sa akin. Ang masaklap pa roon ay isa siyang estranghero. Siya na nga ang nakakuha ng first kiss ko, hindi niya pa pinatawad ang dibdib ko.
Para akong bulkan na isang kalabit na lang ay puputok na.
Huwag niya akong i-provoke.
Galit ako. Nag-uumapaw ang pagkamuhi ko para sa lalaking ito. Tinanggalan niya ng karapatang maging masaya ang lalaking unang iibigin ko. Ninakaw niya ang aking puri. Tinanggalan niya ako ng dangal. Ano na lang ang maipagmamalaki ko?
Bullshit!
Dadanak na talaga ng dugo sa oras na sumubok makarating ng third base ang maysa-engkanto-maligno na ito. Baka balak niya pang isagad at gawing homerun? Huwag siyang magkakamali. Kaya kong pumutol ng gems!
Kung kailangan kong magpaturo sa isang doktor ay gagawin ko.
Makaganti lang ako sa ginawang kapangahasan ng lalaking ito.
He was trying to make a little conversation. Salaula pala ang isang ito at umaasa pang kakausapin ko siya? Pagkatapos ng pananamantala niya? Manigas siya’t maagnas! I won’t give a damn!
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Maski sa simpleng gesture na iyon ay naiirita pa rin ako.
Lahat ng gawin niya ay nakakairita para sa akin.
“Come on, let’s eat.” Mababa ang kanyang tono.
Ako naman iyong hindi sumagot. Gusto kong manahimik at piliin siyang ignorahin. Huwag niya sabihing pati iyon ay balak niyang alisin sa akin? Maghahalo talaga ang balat sa tinalupan! Bigla akong nawala sa mood. Kung balak niya ako patayin ngayon, gawin niya na.
Naniniwala akong kapag oras mo na, oras mo na. At tutal malakas ang kutob kong hindi ko pa oras ay kumpyansa ako ngayon.
“Baka malipasan ka,” giit niya.
Hindi ulit ako umimik at dahan-dahan akong dumausdos ng higa sa sofa. Kanina pa ako nalipasan ng gutom sa totoo lang. Kaya nga ay parang nawalan na ako ng gana ngayon. Sobrang kati pa ng braso at mga legs ko. Pero imbis na magreklamo at humingi ng body soap sa kanya ay mas pinipili kong magpahinga.
This day really wore me out.
Kahit nakapiring ako ay inilagay ko ang isa kong braso sa aking mga mata upang takpan ang mga ito. I just want to have some rest right now.
“Come on.” Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa aking braso na pilit akong pinatatayo.
I hissed and swatted his hand away harshly. Bigla akong napaupo.
Kumunot ang noo ko at sumabog na sa galit. “Putangina mo, ah? Hindi ba p’wedeng magalit? Magtampo? Oo, hindi tayo close! Pero gusto kong magpahinga at wala kang ibang magagawa kundi ang pagbigyan ako!” frustrated kong sigaw.
Iyan at naiiyak na talaga ako!
Mabibigat ang pinakawalan kong paghinga at agad na itinikom ang bibig nang mapagtantong hindi pala siya deserving kausapin.
BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Algemene fictieLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...
![Decadence [Published]](https://img.wattpad.com/cover/58460757-64-k114935.jpg)