Chapter 37

60.7K 1.6K 185
                                    

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 37

Halos magtatatlong oras din kaming nag-Skype ni Rui bago kami natapos sa pag-uusap. We had talked about a lot of random things but mostly, he was always asking if I was alright before, during and after the flight.

Sinabi ko namang makikipag-Skype ulit ako mamaya sa kanya upang kausapin naman ang parents ko. Napagpasyahan ko muna kasing maligo at maglinis ng sarili.

Binuksan ko ang aking maleta. Inisa-isa kong tanggalin ang mga damit ko upang ipasok ito sa cabinet. Iwas hassle na rin kapag maghahanap ako ng maisusuot. Hindi ko na kailangang maghukay sa maleta.

I'll spend the rest of my vacation here in the US. Pagkatapos ng pupuntahan kong party ay sa bahay na namin sa California ako tutuloy. Ginto yata ang bayad dito sa Four Seasons Hotel.

I'm afraid I could have gone bankrupt if I stayed even for an additional day. Ang ipon ko ang pinanggatos ko rito. The money I saved up for shopping galore ay ginasta ko at dito na pinakinabangan.

No regrets.

Pagkatapos kong magligpit ay naligo ako. Pumikit ako pagkatapos kong humiga sa bathtub. I loved it here. I wonder if my parents would allow me to continue my studies here. Bumuntong-hininga ako.

I think not. Marami pa akong naiwang aasikasuhin sa Pilipinas. At ano ba itong pinagsasabi ko? Graduating student na ako at lalo ko lang pinapakumplika ang sitwasyon sa binabalak ko.

Wala pang tatlumpong minuto ay umahon na ako at nagbanlaw. I'm famished now. Hindi ko na ito patatagalin. I just had my monthly visitor at saludo ako sa sarili ko dahil nakapagdala ako ng pads.

I held my tummy. Umuunti-unti na itong kumurot. Nagbihis ako ng itim na sleeveless top at red long skirt. Iniwan ko na lang na nakalugay ang aking buhok.

Lumabas ako ng suite ko at pumasok sa elevator. May nakasabay ako roong dalawang kanong nag-uusap. They both stopped and turned to look at me when I entered the elevator.

Nasa unahan nila ako kaya ramdam na ramdam ko ang paninitig nila. Hindi na muli silang nag-usap pa. Hindi naman ako kinutuban nang masama kaya pumirmi lang ako.

Una sa lahat, wala naman akong nakikitang mali sa suot ko. I may be showing some skin because I'm wearing a sleeveless top, but I don't see it as a provocative material.

Dito sa US, walang-wala pa nga itong suot ko kumpara sa mga nagsusuot ng crop tops at sobrang iksing shorts na halos lumitaw na ang hindi dapat makita.

I've seen girls wearing such last year, and people didn't mind. Sa Pilipinas kasi ay ginagawang big deal ang lahat. You can't figure out if they actually care about you or they're just envious.

Paghinto ng elevator sa ground floor ay lumabas agad ako nang walang lingon-lingon. Ngayon lang ako nagkataong ma-appreciate ang lounge area nila. Pagod kasi ako kanina at nagpahatid agad sa suite ko.

Paglabas ko ng building na iyon ay bumungad agad sa akin ang malaking restaurant na nasa tapat lang mismo ng hotel na tinutuluyan ko. Kailangan ko lamang tumawid para makapunta roon.

Nang mag-red lights ay marami rami rin kaming magkakasabay na tumawid. The people were engrossed chitchatting with their friends. Iba't ibang topic. And here I am, cruising the streets of Denver with no one.

Meh.

I love being single. At least, I can be happy without being dependent on anyone else. This is not bitterness. This is reality. The less feelings involved, the bigger chance you learn your worth. Your judgement is not clouded.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon