Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 63
Kaunting-kaunti na lang ay malapit ko nang bulyawan si Matteo. This morning, I’ve decided to hit the gym. Sa tingin ko kasi ay nangangalawang na ang muscles ko.
At hindi magandang pangitain iyon. Different stressors are starting to wear me out nitong mga nakaraang araw. Medyo nakaramdam ako ng pagpapanic dahil alam kong mananaba ako nito.
Napalabi ako.
Patuloy kong inignora ang ‘papampam’ na si Matteo. Hindi kasi matae ang gago kapapaalala sa aking mag-water break muna kami kahit na kapapahinga lang namin five minutes ago.
“Jergen,” pukaw ni Matteo na nakatayo sa aking gilid. Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang hawak niyang bottled water. Nanatiling diretso ang tingin ko sa transparent glass window.
Nang mapagtanto kong hindi rin patitinag ang isang ito ay tinapunan ko siya ng nagbabantang tingin. “I have excess calories that I need to focus on burning out,” I stated, panting.
Matteo wasn’t having it. Pinatay niya ang treadmill dahilan upang ibigay ko sa kanya ang aking buong atensyon. Sinamaan ko siya ng tingin. He doesn’t even look apologetic to say the least.
I turned to him and crossed my arms. “What the fuck is your problem?” I hissed angrily. Napasimangot si Matteo pero agad niyang binawi iyon. “Stop pestering me every second,” I said to him.
Pumula ang kanyang pisngi. “You need water,” mahinahon niyang sinabi. “Water is essential,” Matteo added, almost sounding pathetic. Napakamot siya sa batok at inabot sa akin ang bottled mineral water.
I huffed and relented. “Fine.” Inagaw ko sa kanya ang bottled water na kanina pa ipinuputok ng butsi niya. I uncapped it quickly and drank from it. Sinimot ko ang tubig para wala na siyang masabi.
“Happy?”
“Very.”
Matteo grinned happily as he made his way towards the gym coach. Napailing ako at bumalik sa pag-ttreadmill. I set it into a slower pace compared to earlier. Ang bigat sa tiyan ng tubig.
“Hello—”
“Not interested.”
Napanganga ang lalaking lumapit sa akin. Medyo patpatin pa ang katawan nito at halatang baguhan sa gym. Wala akong maisip na dahilan kung bakit niya ako kailangang kausapin.
Unless nag-assume siyang isa akong gym instructor at may balak siyang itanong. Napatiim ako ng bagang. The Lord couldn’t let me be in peace, huh? Gusto kong mag-focus lang sa sarili ko.
“Who are you?” Matteo questioned in a low, threatening voice. “Leave her alone. She’s actually a mute and prefers being ignored,” imbento pa ng gagong iyon.
Halos mapa-facepalm na lamang ako sa palusot niya.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng lalaki sa aming dalawa ni Matteo. The poor guy looked genuinely confused and devastated. Putangina mo rin. Kung ayaw mo sa pipe, ayaw ko rin naman sa ‘monggi’.
“Sayang naman pala,” anang lalaki kay Matteo. “Naririnig niya ba ako? Gusto ko lang sana magpakilala,” the poor guy explained sadly. “Hindi ba’t usually ay packaged ang pipe at bingi?” he asked thoughtfully.
Matteo nodded his head stiffly. “Don’t bother. She doesn’t want to know you anyway.” Sumulyap sa akin ang boyfriend ko. Nakaangat nang bahagya ang sulok ng mga labi ni Matteo.
Napailing ako at nagpatuloy sa pag-jjogging. Narinig ko pa ang pag-apila ng estranghero kay Matteo, kesyo mukhang kinausap ko raw ito kanina at hindi naman daw ako tunay na pipe.
BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
General FictionLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...
![Decadence [Published]](https://img.wattpad.com/cover/58460757-64-k114935.jpg)