Chapter 54

52.7K 1.5K 347
                                        

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 54

Madaling araw pa lang ay nagising na ako. Well, sa tingin ko ay mahirap na talagang baguhin ang body clock ko. I used to wake up so early in the morning to ready myself for classes. It's a habit that I find quite hard to break for me. Isa rin iyon sa mga technique ko kapag may exams ako. Kapag nagising ako nang madaling araw ay nagre-review ako at pumapasa naman ako.

Wala akong ideya kung epektibo rin iyon sa iba. Mas nare-retain kasi sa utak ko iyong information kapag madaling araw at bagong gising ako nagre-review for the long exams. Kahit na tiwala akong mataas naman ang makukuha kong grado dahil sa lecture pa lang ay nakikinig na ako, iba pa rin kapag inaaral mo ulit. Mas deeper ang understanding.

I'm thinking about this now dahil napagtanto kong malapit na matapos ang bakasyon ko at wala pa akong nasisimulan for my internship papers and endorsements. I'm contemplating if I would comply to the invitation of a well-known Senator or I should try my luck from the others. For a change. Para lang maiba. To find something thrilling.

Pero hindi ko lubos maisip kung kaya ko bang i-take for granted ang personal na imbitasyon ni Senator Miriam Defensor Santiago. Siya na iyan for whatever's sake. Big time.

Gusto kong mag-apply sa isang law school. I'm torn between taking it up whether here in the US or in my own country. Pangarap kong maging isang mahusay na abogado. There's something in governance that inspires me a lot. There's something about Adolf Hitler that spikes up my curiosity. I'm truly intrigued by how their minds worked.

Naniniwala akong hindi lang normal ang takbo ng pag-iisip ng mga tao. The killers in the history had their own reasons na masama sa paningin natin ngunit mabuti para sa kanila. Alam kong may mga tao ring ganito ang pag-iisip, who had thought outside the box and read between the lines. There's more to a certain story that we would never, ever know.

Makaraan ang ilang pang minuto ay napagpasyahan ko nang bumangon. Kinusot ko ang aking mata at nilingon si Matteo na payapang natutulog.

Ha.

Lagi akong nauuna.

Hindi ako nahirapang tanggalin ang kanyang brasong nakayakap sa akin. Mukhang ganoon kalalim ang tulog ng hudyo. Medyo humihilik-hilik pa nang mahina at nakanganga. Napailing ako at humalik sa kanyang noo bago umalis sa kama. Bigla ko tuloy naalala iyong pinag-awayan namin kagabi. He was being unfair and unreasonable, I had lost my chill.

Alam kong mahal niya ako at ramdam kong malalim ang ugat niyon. Dahil kung hindi, hindi niya naman masasabi iyong sinabi niya kagabi. Foolish hearts, caused by deep love.

Ngunit hindi porket mahal niya ako ay magiging masaya na ako dahil sa kakayahan ng pagsasakripisyong handa niyang ialay para sa akin. Hindi naman ako nanggagago ng feelings ng isang tao.

I wanted to learn more about their organization. If it was the first rule, then it technically states na bawal ang makipagrelasyon. So, ibig sabihin ba niyon, Matteo could only love someone from afar?

Napakunot ang aking noo. The rule could have been enacted to protect their loved ones. Perpetrators would always attack you from behind. Your loved ones are considered your weakness.

Halos sumabog ang utak ko sa pag-iisip ng mga bagay. Matteo told me that their organization wasn't illegal. I could still clearly remember that taxi driver who had been shot dead. Everything seemed clear to me now. Wala naman akong naaalalang inaping taxi driver sa tanang buhay ko at biruin mong si Matteo ang huli kong kasama bago mangyari iyon.

It only meant one thing, fella. May nagmamanman sa aming dalawa that time and the poor taxi driver was a plain casualty. Mukhang may kalaban ang organisasyon nila Matteo.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon