Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 31
"Jee." Kinalabit ako ni Rui mula sa aking tabi.
"Shhh," mahinang saway ko habang nakapikit.
Kasalukuyang nagdadasal kami ngayon sa hapagkainan at itong si Rui ay mukhang hindi naman makatae sa gustong sabihin.
"Can't it wait?" Iritado kong tanong nang muli niya akong kalabitin.
"In Jesus' name, we pray," mahinahon ang tinig ni Tita Georgia.
"Amen," sabay-sabay naming lahat na sinabi.
"Kainan na," patay gutom na wika ni Trinidad.
Hindi ko naiwasang magtaas ng kilay. Hindi ko naman itatangging medyo hindi kagandahan ang ugali ko. What I'm just thinking right now is Trinidad is as ill-mannered as me. But his attitude is exceptional. Hindi naman ako patay gutom, e.
"Hinay hinay lang, dude," nakangising saad ni Harris habang pinagtataasan ng kilay si Trinidad.
"Mukhang ganado ngayon ang unico hijo mo, China, ah?" Umiiling-iling na sinabi ni Tita Grazilda habang nakangiti.
"Ilang araw na siyang ganyan." Tumawa si Tita China habang pinagmamasdan ang kanyang anak.
I shook my head. Sakit sa ulo talaga ang mga lalaking anak. Pupusta ako't may katarantaduhang nagawa iyang si Trinidad. Iyan ang sinasabi ng kutob ko ngayon, e.
Bago pa man akong makapagdesisyon sa kung anong putahe ang kakainin ay nagsandok na ng kanin si Rui para sa akin.
"Tama na iyan," mabilis kong sinabi nang mapansing wala siyang balak tumigil sa pagsasandok ng kanin.
"Hindi mo bagay ang mag-diet. Look at your body." Para niya pa akong sinesermunan habang sinasabi iyon.
"I'm sexy and I know it, Rui." Umirap ako at inabot ang caldereta. Naglagay ako niyon sa aking plato.
"Don't make me fat," I said flatly.
"I'm not making you fat," depensa ni Rui habang hinihiwa ang steak sa kanyang plato.
Bumaling siya sa akin at kitang -kita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. "I'm just making you..." Pinasadahan niya ng iritadong tingin ang aking katawan. "less noticeable."
Mukhang narinig ni Kuya Jordan ang sinabi ni Rui dahil pinagigitnaan ako ng dalawa. Umismid si Kuya Jordan nang hindi kami nililingon.
I saw it.
"I know right?" I sighed, looking at Kuya Jordan. "Kakaiba itong isa nating pinsan, e."
I was talking about Rui.
Umalingawngaw sa buong hapag ang pagkalaglag ng kubyertos. Napatigil sa kanya kanyang pag-uusap ang bawat isa.
Lahat kami ngayon ay nakatingin kay Tita Grazilda na medyo tuliro. Pinapainom naman ito ng tubig ni Tito Julio habang hinahagod ang kanyang likod.
"You don't seem fine, Selda," puna ni Mama habang nakakunot ang noo. "Masama ang pakiramdam mo?" Tanong niya.
Awtomatiko ang naging sagot ni Tita Grazilda. "No. I-I..." Pagod siyang bumuntong hininga. "Just tired."
Kusa nang lumabas ang mga salita sa bibig ko bago ko pa ito magawang pigilan. "Kung hinayaan ninyo akong tumulong kanina sa pagluluto," I bit out.
Pumungay ang mga mata ni Tita sa sinabi ko.
"You know what, fellas? If you don't realize it yet, Jee is the most cruel and warmhearted among us. All at the same time," parang tangang wika ni Trinidad habang nakangisi.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Ficción GeneralLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...