Chapter 17

90.1K 2.4K 586
                                        

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 17

Hindi ko alam kung ilang beses nang itinanong ni Matteo kung sino ang may kagagawan sa nangyari. Patuloy ang pangungulit niya dahil tanging iling lamng ang naging tugon ko sa kanya.

He wouldn't let this pass; not until I confide in him. He was that persistent to get answers from me. Hindi ko alam kung anong plano ni Matteo sa oras na magkwento ako.

Una kong naisip na baka lumaki lang ang gulo. Parang nakikita ko kasi sa katauhan niyang siya iyong tipong walang pinalalagpas. Ayaw ko na sanang palakihin pa ito dahil wala namang kasalanan iyong mga Jail Guards. They just did what they had to.

At isa pa, wala naman silang ginawang masama. It was me who freaked out and just lost it. Hanggang ngayon pa rin naman ay kinikilabutan ako sa tuwing iniisip kong may hahawak sa aking lalaki.

I didn't know about Matteo, though. He seemed like the exception. I must admit, I felt comfortable with him after the incident. Something had definitely changed.

Bumuntong-hininga ako at ibinalik ang atensyon sa pagkain.

Wala akong ideya na bumili pala ng lunch si Matteo bago pumunta sa university. Actually, it was intended as merienda, ngunit nang malaman niyang hindi pa ako kumakain ay mabilis pa sa alas cuatrong nagtungo kami sa isang seafood restaurant, ang Golden King.

Napansin kong hindi niya pa rin ginagalaw ang pagkain niya samantalang iyong akin ay paubos na. Hindi ko siya magawang tingnan dahil ramdam na ramdam ko ang paninitig niya akin. He wasn't being discreet at all.

Sa ginagawa niya ay parang bantay-sarado ang bawat kilos ko. At dahil sa kanya ay sinisiguro kong maingat ang bawat galaw ko upang hindi mapahiya sa harap niya. I suddenly felt conscious, and that wasn't so me. I didn't usually give a flying poop; I was always carefree.

But now under his watch, things were different. If only I could turn back time, I would set everything straight including my crooked ways, I would be more careful. I learned the hard way to never underestimate the will of the others.

Tumikhim ako. "Bakit hindi ka pa kumakain?" I asked. Hindi ko alam kung busog ba siya o sadyang wala lang gana. Pero bakit pa siya um-order para sa kanya?

Besides, nakakahiya naman kung ako lang ang kakain sa aming dalawa, knowing na treat niya ito. He must at least eat, too.

Mataman niya akong tinitigan. "You never answered my question." Mababa ang kanyang tono.

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Mukhang ganoon pa rin ang iniisip niya. Hindi ba siya maka-get over? Hindi ba matatapos ito kung hindi ako sasagot?

"Matteo—"

"Stop right there," mariin niyang sinabi. "You, calling my name, wasn't a good idea if I wanted to discuss something with you. It would only cloud my judgement. It would only weaken me." Kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang panga.

Kumalabog ang dibdib ko habang nanlalaki ang mga matang napatitig sa kanya. My mouth parted to say something, but it just closed again and all my rational thoughts flew out of the window.

Napakurap-kurap ako at itinago ang pagkabigla. "Sa tingin ko ay gutom ka lang." Winala ko ang usapan.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata subalit hindi na siya nagsalita. Napailing siya at saka umiwas ng tingin. Ganoon din ang ginawa ko upang itago ang ginawa kong pagmamasid.

I took a tempura and ate it. Nagpanggap akong tumitingin-tingin sa paligid. Mula sa aking peripheral vision ay nakita kong pinasadahan ni Matteo ng palad ang kanyang buhok. He looked downright frustrated and still gorgeous at the same time.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon