Chapter 5
Nanatiling nakatikom lamang ang aking bibig kahit gustong-gusto ko nang tuhurin ang lalaking ito. Siya lang ang kauna-unahang lalaki na malayang nakalapit nang ganito sa akin.
Of course, Xairus was an exception.
Isa pa, kung makadikit naman ang isang ito ng katawan sa akin ay parang lintang kriminal.
Tumindig ang balahibo ko nang maramdaman ang kanyang ilong sa aking pisngi. Halos tumigil ako sa paghinga. My body went rigid. Kaunting kibot o galaw lang niya ay nararamdaman at napapansin ko. Ganoon ako kaalerto sa mga sandaling ito.
“Relax.” His warm breath fanned my cheek.
Napasinghap ako at bahagyang yumuko. Gusto kong makita ang mukha niya. Gusto kong kabisaduhin ang hitsura ng taong tatamaan sa akin nang magaling sa oras na makawala ako sa purgatoryong ito.
Anong karapatan niyang gumawa ng isang kahindik-hindik na bagay sa tao?
Kinagat ko ang aking labi at sinubukang hindi lumikha ng ingay ng pagtutol nang magsimula niyang haplusin pataas-baba ang aking kaliwang braso. Ganoon pa rin kalapit ang kanyang katawan sa akin.
On my mind, isa-isa ko nang isinasaulo ang mga patong-patong na kasong isasampa ko sa maysa-engkanto-maligno na ito.
I’d make sure after this that he was going to spend the rest of his living days behind the bars.
“You’re so tense.” Tumawa siya at naramdaman ko ang hanging pumagitna sa aming dalawa. Sa tingin ko ay bahagya siyang umusog palayo upang bigyan ako ng space.
Good.
Kanina pa ako hindi makahinga nang maayos dahil sa’yo, ano? Isang talipandas na nilalang!
Huminga ako nang malalim at nag-isip ng maaaring susunod na hakbang. Tao siya. Tao rin naman ako. Kaya magagawa ko pa ring makatakas sa kanya sa kabila ng pagiging maysa-engkanto-maligno niya.
I was very sure that this man was out of his mind. Sa tingin ko ay takas ito sa mental o kaya naman ay kamag-anak ni Oplan!
Certainly.
Pero in fairness, nakakapagsalita pala ng Ingles ang may sayad na ito. His accent was rough and beautiful. I couldn’t deny that. Natural na malalim at malamig ang kanyang tinig. Pang-mayaman pa nga sa totoo lang. Pero hindi ibig sabihin niyon ay mapapaikot niya ako nang ganoon kadali. Mayaman tapos aali-aligid sa talahiban? Kamag-anak lang talaga ni Oplan ang gagawa niyon!
Hinila niya ang kamay ko at hinigit ako palapit sa kanya. I was too pre-occupied kaya madali niya lamang nagawa iyon dahil nabigla ako’t hindi nagawang magpumiglas.
Huli na ang lahat nang maramdaman ko ang maiinit at malalambot niyang mga labi sa akin. Kahit nakapiring ako ay dilat na dilat ang mga nanlalaki kong mga mata sa pagkagulat.
He just fucking stole my very first kiss!
Mukhang hindi niya inaasahan ang biglaang pagtulak ko sa kanya dahil nanghihina siyang napahiwalay sa akin. Tumakbo agad ako at mabilis na itinanggal ang piring sa aking mga mata.
Hawak-hawak ko ang panyo habang tumatakbo nang matulin. Ni hindi na ako nag-abalang lingunin pa ang tampasalang iyon. I was too driven by the adrenaline!
“Shit.” Narinig kong sigaw niya mula sa malayo.
Oo, ako na ang papalit kay Lydia de Vega sa bilis kong tumakbo. Pakiramdam ko nga ay hindi ko na nararamdaman ang sarili kong mga binti dahil sa pamamanhid ng mga ito. Hinahabol niya kaya ako? Holy cow! Hindi niya dapat ako maabutan kundi ay katapusan ko na!
BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Художественная прозаLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...
![Decadence [Published]](https://img.wattpad.com/cover/58460757-64-k114935.jpg)