Chapter 74

33.9K 1.3K 442
                                        

Chapter 74

Hinayaan ko si Mims na matulog sa biyahe kahit na magmukhang driver na talaga ang tema ko rito. It was also the exact same moment that Matteo had chosen to pester me with phone calls.

Kaya naman, in a way, nakatulong din iyong pagiging antok ni Mims. Sa totoo lang, ayaw ko na kasing ikwento pa kahit kanino kung paano nabuo ang relasyon naming dalawa ni Matteo.

I admire myself for keeping it cool though.

Wala pa rin kasing kaalam-alam si Matteo na alam ko na kung ano ang pinakatatago niyang secreto. Sa totoo lang, humahanap pa ako ng tamang tiyempo upang kausapin siya tungkol doon.

Hindi pa rin ako makapaniwalang may laman na ang sinapupunan ko. I often ask myself if this is all, but a dream. Hindi biro ang pagbubuntis.

Truth is, I’m not afraid of my parents’ reaction.

I can handle their anger, probably going at me for being ‘irresponsible’.

Umiling ako.

No, they wouldn’t hate the child—my child. Ganoon naman ang madalas mangyari. Likas nang makaramdam ng disappointment ang pamilya mo kapag maaga kang nabuntis, lalo na kung malaki at mataas ang pangarap nila para sa’yo.

Sa una lang naman lahat ang galit at pangangaral.

In the end, they would demand more time to be with the baby.

Wala sa sariling hinaplos ko ang aking tiyan. Malakas ang kutob kong lalaki ito dahil iba rin manalangin iyong si Matteo, e. I wasn’t able to detect the early symptoms.

Of course, first of all, we weren’t expecting a baby. Hindi naman nag-open ang gagong iyon tungkol sa mga plano niya. Nagsolo ang solohista kaya’t pakiramdam ko’y kakampi ni Matteo itong nasa sinapupunan ko.

I wouldn’t mind a younger version of Matteo though.

Darating din ang panahon at puputi at kukulubot ang Adonis na iyon. At kung sakaling dumating na nga ang araw na iyon, I would still have something to remind me of how kingly he was once.

Kinagat ko ang aking labi at wala sa sariling nag-isip ng magandang pangalan. Something that I’d never change even if this kid turned out to be a girl.

“How are you feeling? May masakit ba sa’yo?”

I rolled my eyes at the sound of his concerned voice. Nilingon ko si Mims at medyo nakanganga pa ito habang natutulog. I put Matteo on the loudspeaker because I couldn’t risk being distracted, having to put the earphones into my ears.

Mahigpit ang bilin ni Tripp na dalhin ko si Mims nang buhay at buo. He didn’t have to say that though.

Ngumisi ako. May iniingatan din akong bagahe.

“Bakit hindi na lang kasi ikaw itong sumama?” pagtataray ko.

Nag-iinit pa rin kasi ang ulo ko sa tuwing naaalalang itinago niya ang sarili kong pagbubuntis mula sa akin. Ano bang hinihintay niya? Pasko? Oh, please. Kung ipagpapatuloy niya pa ang ganyang klaseng galawan, hindi ko na siya paaabutin pa ng Pasko.

Matteo is anything, but a coward.

Ngunit sa ipinapakita niyang kahangalan ngayon?

Mukhang nagkamali ako.

“Susunod naman ako,” maamong tugon ni Matteo.

Tumawa ako. “You’re unpredictable. Ikaw nga rin ang nag-suggest na si Rui ang isama ko sa lakad na ito,” I pointed out, purposely reminding him of how much he hated my cousin’s guts.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon