Chapter 28

65.6K 1.8K 238
                                        

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 28

Dinala ako ni Rui sa isang kilalang kainan malapit sa unibersidad na kung saan siya ay nag aaral. The whole place is cozy. Rui informed me na puro lutong-bahay naman ang inihahain dito.

Lumapit sa amin ang isang waitress na nag-abot ng dalawang menu book para sa amin ni Rui. Nagpasalamat si Rui sa kanya habang ako naman ay hindi na nag-abala pang tingnan siya.

Nang silipin ko ang menu ay halos mamutla ako sa mga nakita. Mga putaheng may halong gulay na hindi ko kilala ang lasa. Magiging dayuhan na naman ang mga ito sa panlasa ko.

Nag-angat ako ng tingin kay Rui na ngayon ay nakangisi sa akin. Pinaglaruan niya ang kanyang labi habang mataman akong pinagmamasdan. Napangiwi ako.

"What do you want to eat now?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. Inilapag niya ang menu sa table at nangalumbaba sa harap ko. Magulo pa rin ang kanyang buhok dahil pagkatapos maligo ay hindi na siyang nag-abala pang magsuklay.

Huminga ako nang malalim at sumagot. "Fries and ice cream."

Tumawa si Rui at napailing.

"Kanin muna bago iyang mga gusto mong kainin." Kinagat niya ang kanyang labi.

Napapikit ako nang mariin nang may biglang alaalang lumitaw sa isipan ko. I want him out of my system. Totally. Completely. Hindi na ako natutuwa sa mga bagay na bigla na lang na magpapaalala sa akin sa kanya.

"Jee?" Pukaw ni Rui.

Pinilig ko ang aking ulo at nag-angat ng tingin kay Rui. Sinalubong ako ng kuryoso niyang mga mata.

"Anong lasa ng pinakbet?" Tanong ko sa kanya bago muling bumaling sa menu section na kung saan ko nakita ang pangalan na iyon. Pinagmasdan kong mabuti ang picture nito sa menu.

Mukhang hindi masarap.

Nagkibit ng balikat si Rui at nanghahamong tumitig sa akin. "Try it. I wouldn't bring you here if I know you'd only get disappointed," marahan niyang sinabi.

I bit my lower lip and stared at the picture. Mukha talagang hindi masarap pero sa lahat ng nakalagay sa menu ay ito ang pinakamatino ang hitsura para sa akin.

Nasindak kasi ako sa hitsura ng chopseuy. Pakiramdam ko ay hindi ako tatagal nang segundo roon. Tapos may iba't ibang klase pala ang atchara. Why did I deprive myself of these meals, anyway?

"Sige, pinakbet ang sa akin." Kinagat ko ang aking labi. Nakaramdam ako nang panlalamig ng tiyan. Ginagago yata ako nitong si Rui, e.

"What's yours?" Tanong ko.

"Sinigang na bangus." He grinned sheepishly.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang kanyang sinabi. Sinigang? It's not alien to me. I know sinigang. Alam kong may pagkamaasim iyon at hindi naman puro gulay iyon. May iba't ibang klase pa nga nang isasahog doon.

"Are you serious right now?" Tiim-bagang kong tanong kay Rui. Sa akin ay gulay tapos sa kanya ay may bangus? May karne ba ang pinakbet?

Someone tell me.

Natatawa siyang umiling at tumayo mula sa kinauupuan. Lumipat siya sa aking tabi at umusog palapit sa akin. Matalim ko siyang tiningnan at itinulak palayo. Huwag siyang tumabi-tabi sa akin. Bwisit.

"Jee," tawag niya sa akin habang pilit na inaabot ang aking kamay na sinasalag naman ang kanya.

"What?" Iritado kong tanong.

Kumunot ang kanyang noo. "Grumpy, huh? Have you had your monthly—"

"Rui." I gritted my teeth.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon