Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 48
Buong biyahe ay nakapatong ang aking palad sa hita ni Matteo habang siya naman ay nagmamaneho. He was bossy. Inutos niya talaga iyon. Not that I am complaining. Hawak-hawak niya naman ang palad kong nakalapag sa hita niya, e. Mind you, his palm was rough yet warm.
At sa buong sandali niyang pagmamaneho ay hindi niya ni minsang binitiwan ang kamay ko. I liked the assurance it made me feel. He told me that his relationship with me right now is going to be first and last serious commitment. He didn't even let me butt in while he was talking.
Huwag na raw ako magsalita pa kung hindi rin naman kaaya-aya sa tainga ang side comment ko. He was expecting me to ruin the moment.
Makapal din naman pala ang mukha ng isang ito para sabihin sa akin iyon. He can't blame me! I grew up to speak of irritating comebacks.
Pero in fairness, hindi naman siya nagkamali na pagbalaan ako roon. Balak ko naman sanang sabihin na huwag niya akong utuin! Tunog fuckboy ang linyahan niya, e.
Could you blame me? Of course not! Lalo na't sinabi niya ang mga katagang iyon pagkatapos niyang ikwento ang mga naging flings niya.
Syempre, I forced him upang sabihin sa akin iyon. Subukan niya lang magkwento tungkol sa past niya nang hindi ako nagtatanong!
Who does that? Don't ever talk about your past relationships with or without your girlfriend around! Unless she told you to do so!
It's an unspoken rule but still a rule, indeed. Kapag ginawa ni Matteo iyon sa akin ay wala nang tanong-tanong pa! Break agad! Tampalasan pala!
So speaking of his ex flings, he started dating girls when he was in high school daw. Sinamaan ko agad siya ng tingin noon, e.
Ang aga lumandi ng hudyo! It wasn't something serious naman daw kesyo nilinaw niya naman iyon sa mga girls. Napakunot ako ng noo.
Girls shouldn't settle for less than they ever deserved. Alam na ngang hindi seseryosohin ng lalaki, pinapatos pa rin. That's too low for me.
Kung matino ang pag-iisip mo ay hinding-hindi ka papayag sa ganoon! Mas maigi nang single kaysa naglolokohan lang kayo ng lalaki.
Oh, God!
Ito namang mga lalaki, bigay nang bigay ng motibo pero hindi ka naman kayang panindigan. Gugustuhin ka nga pero panandalian lang. Leche!
Nakatikim ng ilang sapak sa akin si Matteo. Para sa mga babae iyon na pinaasa niya at iniwan sa ere! I don't know why he found it amusing, though.
Bakit ko ba raw ipinagtatanggol ang mga babae niya sa nakaraan at hindi pinagseselosan? I told him that it was all in the past. Matagal nang tapos.
But the main reason remains as a secret. Habang nagkukwento siya ng adventures nila ng flings niya, na ipinilit ko pang ipakwento sa kanya, labis-labis ang naramdaman kong pagseselos.
I know it's my fault dahil ako naman ang nagpumilit. Wala lang. I just don't like that nagging feeling na nagsasabing napaligaya ng mga babaeng iyon si Matteo.
Kainis talaga ang balahurang ito!
Pero panay naman ang sulyap niya sa akin habang nagkukwento. Tinatantiya niya ang magiging reaction ko. I tried to remain passive.
Matapos ang pagkukwento niya ay todo naman ang paglalambing niya sa akin. Pinagagaan niya ang loob ko at lagi akong pinupuri.
"Ang ganda talaga ng girlfriend ko," nakangisi niyang sinabi.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
General FictionLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...