Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 52
Habang nagluluto si Matteo ay nanatili naman akong nasa mini sala niya at nanonood ng special episode ng palabas na 24. Nagpalit na rin ako ng suot na dala kong extra.
I'm contemplating whether I'm going to stay here or I should go home after dinner. Isinaalang-alang ko na rin ang pagod ni Matteo sa araw na ito dahil mag-iinsist ito upang ihatid ako.
Napabuntong-hininga ako at tumayo upang dumiretso sa kusina. Naabutan ko si Matteo na topless at naka-boxer shorts na lang habang tinitikman ang sabaw.
Shit lang, mare.
Nang aakit ba siya or what? Ang lakas ng loob na sawayin ako sa choice ko sa pagdadamit pero siya naman itong mahilig na ibalandra ang katawan niya porket alam niyang maskulado siya?
Baka nakakalimot siyang wala siya sa Pilipinas at iba ang normal na temperatura rito? Kung balak niyang magka-pulmonia ay hahayaan ko siya. Yeah, I can be a very supportive girlfriend din naman.
Mukhang naramdaman ni Matteo ang presensya ko dahilan upang lingunin ako nito. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik sa aking mukha.
Pervertido.
Umiling siya at tinakpan ang niluluto niya. Naghugas siya ng kamay at agad na pinatuyo ito. I was watching him the whole time. Nagmartsa siya papunta sa akin nang nakangisi. Nang tuluyang makalapit ay humawak siya sa aking magkabilang baywang at dinungaw ang aking mukha. Matteo is very affectionate and showy. I can't help but crack a smile.
"Saglit na lang ito." Hinaplos niya ang aking baywang. Para akong kinikiliti sa ginawa niyang iyon. "How do you feel now? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" He questioned worriedly.
Ipinulupot ko naman ang aking mga kamay sa kanyang leeg at ngumisi sa kanya. I could only picture how intimate we looked right now. Tumigil ako at pinakiramdaman ang aking ulo.
"May kaunting kirot pa rin." His jaw suddenly tightened, obviously not liking what he had heard. "Syempre, sariwa pa ang sugat, Matteo. What do you expect? Magic?" Umiling ako.
I was trying to ease the tightness he was feeling. Based on the look he gave me, parang gusto niya akong itakbo pabalik sa hospital at ipaconfine na lang, e.
Disparatado.
"You can't blame me, babe. You got hurt under my watch. Believe me when I say that I do still regret leaving you there alone," Matteo said gruffly as he caressed my backside.
Sinalubong ko ang malamlam niyang mga mata. I could get lost into his dark orbs and I wouldn't mind. Halos mangatog ang aking mga tuhod sa klase ng tinging ibinibigay niya sa akin.
Kinurot ko ang kanyang pisngi. He didn't even flinch kahit na may halong panggigigil iyon. "Pwede ba? Lets get over that. Don't spoil our night by feeling guilty which is really uncalled for."
"At kahit mainit ang katawan mo, hindi ibig sabihin ay maghuhubo ka na. Magbihis ka nga, Matteo. Wala kang maaakit dito." Umiwas ako ng tingin nang bigla siyang humalakhak.
"Masusunod." Kinagat niya ang kanyang labi. "Wala naman akong sinusubukang akitin. Malakas ang kumpyansa kong kusa siyang bibigay sa akin." He grinned cheekily.
Nagpanting ang tainga ko sa narinig at sinamaan siya ng tingin. Wala naman siyang ibang pwedeng tukuyin kundi ako lang. Ako lang naman ang nandito sa suite niya. Walang hiya.
"Sino kaya? I'm pretty sure na hindi ako iyon dahil iyong iba riyan ay kailangan pang gumawa ng hakbang upang makuha ako. Sino kaya ang adik humalik?" I asked innocently.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Ficção GeralLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...