Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 29
"Pakiabot sa akin ang marinated meat, Jee," utos ni Mama.
Mula sa pagkakaupo sa countertop ay tumalon ako upang bumaba. Kinuha ko ang tupperware na nakapatong sa mesa at binigay iyon kay Mama.
Hapon pa lamang ay naging abala na si Mama at ang iba ko pang mga tita upang magluto ng mga ihahanda para sa bisperas ng Pasko. My mother wanted me to stay away when I told her I just wanted to offer help.
Baka raw kasi matalsikan lang ako ng mantika, mapaso at madisgrasya na siyang mahigpit niyang iniiwasan. I don't know what's up with her. Marunong naman kasi ako sa gawaing kusina.
"Jee?"
Nilingon ko ang apat na taong gulang kong pinsang lalaki. Malaki ang ngisi nito habang hawak ang laruan niyang si Batman. Ngumisi ako pabalik sa kanya. I hate kids, but Juja is an exception. He's my favorite kid.
"King George." Tumawa ako nang tumakbo siya papunta sa akin at yumakap sa aking leeg.
Binuhat ko siya at umikot-ikot ako dahilan upang umalingawngaw ang bibo niyang halakhak sa buong kusina. He tried imitating his all-time favorite hero.
"I'm Batman," sigaw nito at mas ni-stretch ang mga kamay sa ere.
"Careful, Jee," warned Mama.
Hindi pa rin mawaglit ang malaking ngisi sa aking mukha. Napairap ako sa kawalan at marahang ibinaba si Juja. Yumakap ito sa legs ko habang tumatawa.
"I lift weights, Mama," I began. "And I'm very careful with Juja. There's nothing to worry about."
"Right," segunda ni Juja.
Tumawa si Tita Georgia, ang mommy nito at ni Kuya Jordan. Lumapit siya sa amin at pinatikim kay Juja ang ginagawang salad.
"Good?" Tanong ni Tita Georgia.
Nag-thumbs up naman si Juja at mabilis na tumango tango. "Very good po," sigaw niya.
Nag-angat sa akin ng tingin si Tita Georgia. She smiled sincerely and motioned to take Juja somewhere else. Tumango ako sa kanya at hinawakan sa kamay si Juja.
Alam ko ang ibig niyang sabihin. Hindi malabong manggulo at magkalat si Juja sa kusina lalo na't nakita niyang naroon ako at ang kanyang mommy. He would do everything to get our attention.
"Ma," tawag ko.
Nilingon niya ako habang naghihiwa.
"Igagala ko lang si Juja," pagpapaalam ko. "May ipag-uutos ka ba bago kaming umalis?" Tanong ko.
Umiling ito. "Mag-ingat kayo," bilin ni Mama. "Saan ba kayo pupunta?" Dagdag niyang sinabi.
"Maglilibot-libot lang hanggang sa malibang iyong bata." Nagkibit ako ng balikat.
"Sige, huwag masyadong magpaparungis," ani Mama.
"Ma naman?" Napailing ako at pumihit upang talikuran sila.
"Where we goin'?" Tanong ni Juja nang makalabas na kami sa bahay.
Bumungad sa akin ang iba't ibang nakaparadang kotse. Wala na dapat pang ipagtaka, knowing that my relatives were also here to celebrate Christmas together with the family.
"Don't you like cars?" Tanong ko kay Juja habang naglalakad kami palabas ng gate. We're not going to ride a car. How would a kid enjoy inside an auto anyway?
"No," sigaw ni Juja. "Cars are for..." Huminto ito sa paglalakad at yumuko na parang may iniisip.
Kumunot ang aking noo.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Fiksyen UmumLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...