Chapter 10
Hanggang sa mga sumunod na araw ay ganoon ang naging sistema. Hindi naman kami madalas na magkasamang mag-lunch ni Rhys ngunit tila nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon.
Tuwing break naming dalawa ay kami ang magkasama. Patuloy pa rin siya sa pag-share niya ng mga detalye ng panliligaw ni Waderick sa kanya.
Na para sa akin ay si Matteo Papa. Bumuntong-hininga ako. Patuloy pa rin ang aking pag-iwas kay Xairus.
“He sent a text message last night that he’s going to visit me today if time permits…” nakangiting wika ni Rhys habang sumisimsim sa Coke.
Hindi ko alam kung anong isusukli kong reaksyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa akin ang rebelasyong nalaman ko. All the while na nagkukulong ako sa kwarto at nagmumukmok sa pad pagkagaling sa school ay siya namang pag-uumpisa ng panliligaw ni Waderick kay Rhys.
Ayaw kong magpaka-plastik. Sobra ang paghanga ko kay Matteo Papa. At sa iglap lang ay malalaman ko ito? But hey, I wouldn’t hold this against my best friend. Maliit na bagay lang naman iyon.
There was just this weird, nagging feeling that I couldn’t comprehend.
Rhys snapped her fingers. “Are you with me, amiga?”
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Kitang-kita ko sa maamo niyang mukha ang bahid ng pag-aalala at pagtataka. Rhys’ beauty was as regal as a queen. Her hair was a rich shade of flax. Her eyes, framed by long lashes, were raven-black. Matangos ang ilong niya na nagsasabing hindi siya purong Filipina. She had full lips that every time she smiled, she could brighten the world. Parang nag-materialize ang nakatutulalang perpeksyon ng kagandahan ng isang anita sa kanyang katauhan.
Napakurap-kurap ako. “Oo naman,” I replied with a grin.
Tumango siya at ibinaba ang tingin sa isang blueprint. Sabay kaming napalingon sa cellphone niyang nakapatong sa table nang tumunog iyon. Mabilis ang naging galaw ni Rhys at binuksan niya kaagad ang isang text message. Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa kaputian niyang taglay.
I felt a pang—a strange and inexplicable pang in my chest that I had never felt before. Huminga ako nang malalim at kinagat ang aking labi. Hindi ko alam kung bakit, pero inaabangan ko ang bawat reaksyon ni Rhys. Nakaramdam ako ng kaunting antisipasyon sa pagk’wento niya sa akin kung anong mayroon sa text message na natanggap niya.
Malakas kasi ang kutob kong galing kay Matteo Papa iyon.
Hindi nga ako binigo ni Rhys dahil matapos niyang mag-reply ay bumaling siya sa aking malaki ang ngisi at parang kinikilig. I tried my best not to grimace. What was wrong with me, though?
“He’s going to make dalaw daw sa akin today. He’s almost here.” Impit siyang tumili. Her eyes twinkled in excitement.
“Malapit mo na ba siyang sagutin?” wala sa sarili kong tanong. Huli na ang lahat upang bawiin ko pa ang sinabi.
Tumingin siya sa mga mata ko. “I-I don’t know.” Ngumuso siya, parang nalilito.
Bumuntong-hininga ako. “Mauna na ako, ah?”
Kumunot ang noo ni Rhys. “Huh? No.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Don’t you want to meet Waderick in person?”
I already did.
Besides, he was still a guy and a France at that. Ayaw kong isipin ni Xairus na umiiwas ako sa kanya at ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa kapatid niya. It was just a plain crush. Nothing deep. And Rhys also came into the picture. Wala na.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Ficción GeneralLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...