Chapter 46

50.3K 1.6K 255
                                        

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 46

After the long travel kung saan ay napilitan na akong samahan ni Matteo sa pagsakay sa train, I was dead tired. I felt like I was getting sick. Natulog lang ako buong biyahe since air-conditioned naman sa loob. Malamig na nga ang klima rito sa Amerika ay nadagdagan pa lalo.

Matteo volunteered to carry some of my shopping bags and luggage. Pumayag naman ako roon. Sobrang nanghihina ang katawan ko ngayon. Mas okay na sa akin iyong tagabuhat na boyfriend kaysa iyong galanteng boyfriend. I don't care about money and his wealth anyway.

Huminto ako sa paglalakad nang nasa pinto na ako ng bahay namin. I used the keys to unlock the door before turning to Matteo. Napansin kong kanina pa nakakunot ang noo nito subalit ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Tutal ay mas malala ang mood swings niya kaysa sa akin.

Bumuntong hininga siya at inilapag muna sa baba ang mga bitbit niya. He took a step closer to me and cupped my face gently.

"I am fine—"

He cut me off harshly.

"You are pale."

"Still," I bit out. "You are not staying in this house, Matteo. I'm not going to change my mind regarding that and that's final," I pointed out.

Una sa lahat ay wala ako sa posisyon upang mag imbita ng mga bisita sa bahay ng parents ko. The place is not mine. Respeto na lang.

Ikalawa, they don't even know Matteo. Magpapapasok na lang ba ako ng kahit sino sa pamamahay nila kahit kailan ko gustuhin? No way!

Lastly, it is not a proper excuse na patutuluyin ko siya dahil boyfriend ko siya. Hindi pa naman kami legal in the first place. It would be awfully rude.

Kung may pinahahalagahan man ako bukod sa sarili kong kapakanan, iyon ay ang aking mga magulang. Hindi naman ako ganoon kawalang modo. May kaunting delikadesa pa rin naman ako at katinuan sa katawan kahit na ang the rest ay puro kahayupan. It's a good combo though.

Huminga siya nang malalim at sinalubong ng titig ang pagod kong mga mata. "Dalhin muna kaya kita sa hospital?" Marahan niyang tanong.

Pagod akong ngumisi. "Ang paranoid mo naman masyado. Exhaustion lang ito. All I ever need is good rest and a comfortable bed," I explained.

He nodded, still reluctant. "Text, chat or call me if something happens. Pupunta agad ako rito, hmm?" Masuyo niyang sinabi.

Tumawa ako at yumakap sa kanya. His body was warm. I felt small, yet so secure in his strong arms. He was the sweetest, and only to me.

Umihip ang malakas na hangin. Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin. Narinig ko ang pagsayaw ng mga dahon sa puno.

"I need to get inside now, Matteo," I informed him. Gustong-gusto ko nang humilata sa kama. Tinatawag na niya ang inaantok kong kaluluwa.

He hummed and planted a kiss on my hair. "Have a goodnight, babe," he whispered into my ear huskily. He caressed my arm up and down.

Tumindig ang balahibo ko sa ginawa niya kaya't mariin ko siyang kinurot sa tagiliran bilang ganti. Gumalaw siya nang kaunti upang umiwas sana. He chuckled at my useless comeback. I looked up at him and shot him a hard glare. His dark eyes twinkled in amusement.

Ngumuso ako. "Inaantok na talaga ako, Matteo. Huwag mo na akong hiritan diyan dahil hindi talaga kita pagbibigyan," I warned jokingly.

Humalakhak siya at mabilis na ninakawan na naman ako ng halik sa mga labi. "Wala akong sinasabi, Jergen. Huwag mo akong ideyahan."

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon