Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 40
Alas sais pa lang ay tumawag na sa akin ang management upang magtanong kung anong oras ba ako magpapasundo. While painting my nails red, I hummed while thinking, then answered. "9pm again, I guess."
"You don't want to miss out on a lot of fun, Ma'am! Are you sure you'd like to be picked up by 9pm sharp?" Tumawa ang kausap ko sa telepono.
Babae ito at siya rin ang nakausap ko kahapon. Napabuntong-hininga ako habang nag iisip. Kasi naman, kung six or seven pa lamang ay naroon na ako, paniguradong mananakit lang ang mga binti ko. That's why I prefer going at a time where the party is at its peak. Dalawa o tatlong oras lang ng pag inom at pagsasayaw ay kuntento na ako.
I'm not the type that gets contented without doing anything. Hindi mo ako makikita sa isang party na patayo-tayo lang para pumatay ng oras. Sa loob ng kinse minutos, I tell you, makakalima o anim na shots na ako niyan habang nakikipagsayaw o kaya naman nag-eentertain ng mga gwapong lalaki.
"I'm sure," pinal kong sagot bago pinutol ang tawag.
Pinagmasdan ko ang aking kuko. I just want them to match with my outfit for tonight. Red dress ulit ito na maraming abubot sa tela. Nagpakislap ang mga ito sa aking suot at lalong nagmukhang elegante ang dress.
Ako na rin ang gumawa ng hairdo ko. It's a good thing I'm a fashionista. Kaya kong dalhin ang sarili ko nang walang tulong ng iba. Nang matapos ako sa pag aayos ng mukha ay nakipag-video call ako sa parents ko.
"Happy new year," I greeted happily to my parents.
Sa tingin ko ay prom ang tema ng party nila ngayon sa Cebu. Si Papa ay naka-black coat at si Mama naman ay naka-blue evening gown. Nakita kong na-teary eye na si Mama kaya sumimangot ako. Madali kasi akong maapektuhan ng emosyon kaya bago pa ako matuluyan ay nagsalita na ako.
"Can't you just greet me a happy new year, too, instead of bursting into tears?" Umirap ako.
Humalakhak si Papa. "Your mother is very emotional that's why the big man above there sent me as a gift. Your father got this, hija."
Tumawa na rin ako at umiling. Nakita ko pang binatukan ni Mama si Papa.
"Panira ka talaga."
Tumikhim ako. "Mom, I'm leaving in thirty," paalam ko.
Muling tumingin si Mama sa camera. She rolled her eyes on me.
"Enjoy, but don't enjoy too much. It's bad," pangaral nito.
"Okay, okay," I replied, chuckling.
"I hope you find your boyfriend there, too," dagdag pa niya.
Tumikhim naman si Papa. "Dadaan muna sa akin, alright?"
"Of course. That's why I'm very single," sabi ko.
"Rui wants to talk to you."
Mukhang ibinigay ni Mama ang iPad dahil ilang sandali pa ay bumungad na sa akin ang mukha ng pinsan kong si Rui. He was wearing a white suit with a red bow. Napangisi ako nang malaki. Mukhang ikakasal ang pinsan ko, ah?
"Happy new year, Jee," he greeted with a tight smile.
"Happy new year," tumatawa kong sinabi. "May handa ba kayong blueberry cupcake riyan?" I asked excitedly.
"Yes," he spoke gently. Gumalaw ang camera at tumutok ito sa isang malaking bundok ng blueberry cake.
Nanlaki ang mga mata ko. Tumulo ang laway ko sa nakakatakam na hitsura nito.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Fiction généraleLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...