Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 35
Pinilit kong kumawala sa mga bisig ni Matteo. Kahit na nakakaakit tingnan ang umbok niyang muscles ay hindi ako nagpatukso.
Yes, I admit it. Maganda ang kanyang pangangatawan. Hindi na nakakapagtaka na sa bawat kilos niya ay nagfi-flex ang kanyang mga muscle. His body was well-toned. Hindi siya maputi at hindi rin siya maitim. Iyong katamtaman lang kagaya ng mga model sa isang magazine.
At higit sa lahat, isa siyang malaking bulas na tao. Sa tingin ko nga ay magkakandabali-bali ang mga buto ko sa oras na madaganan niya ako.
"You, asswipe nigglet," I whispered harshly, trying to remove his arms around me.
After a series of attempts, matagumpay na akong nakalaya. He groaned in protest and his hand started to wander on my bed.
Tumigil ito sa isang unan at kinapa-kapa niya iyon bago yakapin. His breathing became even again. Nagkaroon na naman ako ng pagkakataong pagmasdan ang maamo niyang mukha.
Kapag tulog.
Totoo pala talaga iyong mga sabi-sabing mukhang mabait kapag tulog lang pero kapag gising, isang dakilang siraulo at saksakan ng gago. Nagusot ang aking kilay nang mapansin ang maliit na sugat niya sa gilid ng labi. My curiosity ate at me so I went closer to him.
Naningkit ang mga mata ko. I couldn't be wrong. Sariwa pa ang sugat nito. Hindi siya ganoon kaliit kaya't nahalata ko ito kanina. Kumatok sa isipan ko ang isang katotohanan. I bit my lower lip and held myself back. Gusto kong haplusin ang kanyang mukha ngunit ayaw kong sumugal at baka magising siya.
He's a mafia leader. Nang ipangalandakan ko iyon sa mukha niya ay hindi ko siya nakitaan ng pagtanggi at pangamba. At isa pa, inamin niya mismo iyon. He nodded his head. Kung saan ko mang nahagilap ang konklusyong ganoon ay hindi ko na alam.
Tila bigla na lamang iyon pumasok sa aking isipan. Matapos ang iba't ibang insidenteng naganap tuwing kasama ko siya ay kinutuban na ako. Para bang hinahabol-habol kami ng gulo. Ganyan ba ang klase ng buhay na gusto niya? Surely, that's where he got the cut on his lips, too.
"Demacia," I heard him whisper.
Napasinghap ako at mabilis na nilayuan siya. Is he awake? Mukhang hindi pa naman. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa unan.
Nakahinga ako nang maluwag. I don't want to deal with him once he wakes up. Kaya dapat ay makaalis na ako rito bago pa man siya magising.
Habang naliligo ay hindi ko mapigilan ang mumunting pagkurot na nadarama ko sa aking puso. Kinagat ko ang labi nang maalala ang salitang lumabas sa bibig ni Matteo.
Demacia.
Bigla kong naalala si Maddox kahapon. Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang binanggit niya rin ang salitang iyon.
Demacia.
Is that a girl's name? My chest tightened at the possibility. Huminga ako nang malalim at pagkatapos ay pinatay ang shower.
It could be a place, though. I haven't heard that word in my life until Maddox said it. And now Matteo.
Muntik ko nang mabitawan ang bath robe.
Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. If they both uttered that word, same way, same pronunciation, ano kayang mayroon sa salitang iyon? At ang mas nangingibabaw pa sa isipan ko ngayon ay kung magkakilala ba sila? It wouldn't be quite impossible. Malaking pangalan ang France.
Pinilig ko ang aking ulo. There's a lot of things, more important things for me to tend to than being problematic over an insignificant and confusing subject.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
General FictionLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...