Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 19
The thing with patience is that, it doesn't last forever. It won't take you that long to finally make a move and snap and bam—all hell breaks loose.
For me, it finally happened.
He asked me if I would leave him. Isang tanong din ang sumibol sa aking isipan. What kind of question was that? Ipinapamukha niya ba sa aking isa siyang kawalan? Napailing ako.
Narinig ko ang marahas niyang pagbuga ng hangin. Pinagmasdan ko siya mula sa gilid ng aking mata. Nakita ko ang frustration sa kanyang mukha. Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok na parang hindi alam ang gagawin o sasabihin.
I chose to remain silent after that question.
Sinuyod ko ng tingin ang aking suot. Ganoon pa rin iyon at walang nagbago. Nakahinga ako nang maluwag at marahang umatras upang umambang tumalikod at umalis.
Agad na tumikhim si Matteo. Tumigil ako sa paghakbang. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. Naghintay ako sa mga susunod niyang sasabihin ngunit wala. Katahimikan ang bumalot sa amin pagkatapos niyon.
Umiling ako at lumabas mula sa kwartong iyon. Dapat ko bang ikagulat na wala siyang ginawa upang pigilan ako? No. It was just frustrating. Kaya niya naman palang magpigil, e. Bakit hindi niya pa ginawa noon?
Kaya niyang magtimpi. Hindi man siya iyong tipong kayang mag-maintain ng composure. Matteo was still familiar with control. Maaaring hindi niya alam kung paano at kailan iyon gagawin pero alam kong kaya niya. He just kept on choosing and appeasing his barbaric side.
Pagkalabas ko pa lang sa pinto ay bumungad na sa akin ang pamilyar na paligid. Hindi ako pwedeng magkamali. Mula sa portrait, chandelier at staircase ay alam na alam ko na kung nasaang lugar ako.
In his terrirory.
Bumaba ako ng hagdan at sinuri ang kabuuhan ng bahay na ito. Isang klase ng istruktura na mahirap ignorahin. At ang mas nakatatawag pansin pa sa lahat ay ang lawak at laki nito. Kung bibigyan ako ng pagkakataon ay paulit-ulit kong pupuriin ito. Nagmimistulang palasyo sa gitna ng masukal na kagubatan.
Nilingon ko ang malaking pintong maghahatid sa akin sa labas nito. No second guess. No hesitation. Dumiretso ako roon upang makaalis na sa lugar na ito. It's my chance now, right? Matteo didn't show any objection earlier.
Pagkabukas ko niyon ay biglang bumungad sa akin ang kapatid ni Matteo. Abala ito sa pagkapa ng kung ano sa kanyang coat habang nakayuko dahilan upang hindi niya agad ako mapansin. Dumapo ang aking tingin sa pilat sa kanyang mukha.
Nakapagtataka lang kung saan nanggaling iyon.
"I forgot something, Waderick." Malalim ang kanyang boses. May kung ano sa likod ng tinig na iyon na nagsasabing hindi basta-bastang binabangga ang may-ari nito.
Kinalikot niya ang hawak niyang cellphone. Hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin. Nagkaroon ako ng pagkakataong suyurin siya ng tingin. The Frances are unbelievably lean and tall, alright. Nakakalula rin ang pagiging makisig nila. I've seen these brothers. Looking intimidating, proud and arrogant.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang bigla siyang nag-angat ng ulo. Bahagyang umawang ang aking bibig. Agad akong kinilabutan sa intensidad ng kanyang mga titig.
His forehead knotted. "Where's my brother?" He didn't bother to wait for my answer. He got inside the house and looked around, trying to find Matteo.
Muli siyang lumingon sa aking gawi. "Iniwan mo na naman?"
Napakurap-kurap ako. "W-What?"
Umiling siya at dumiretso sa hagdan upang umakyat. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang maglaho. Nagkibit ako ng balikat at tuluyan nang lumabas.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
General FictionLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...