Chapter 61

49.7K 1.6K 601
                                        

Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 61

Madaling araw pa lamang ay nagising na ako. I checked my phone and saw that it was 3:45am. Napabuntong-hininga ako at nilingon ang himbing na himbing sa pagtulog na si Matteo.

Gustuhin ko mang magdamag na nakabalot sa kanyang mga matitipunong bisig ay hindi na maaari iyon. Maingat akong bumangon at umalis sa kanyang mahigpit na yakap.

Napailing ako nang hindi man lang kumibot itong si Matteo. A heavy sleeper, I see. Kapag nagkaroon siguro ng sunog, kitakits na lang kami ni Matteo sa impyerno.

Mukhang siya ang mauuna roon.

Lumihis ang comforter at bumungad sa akin ang mukhang malulutong at mabiyak na mga pandesal ni gago. Nangapal ang aking laway sa loob ng bibig.
A body to die for, indeed.

Shit lang, mare.

Pinilig ko ang aking ulo at marahang yumuko upang iangat ang comforter sa kanyang katawan. Balat kalabaw yata ang mayroon ang isang ito, e. Mukhang hindi tinatalaban ng lamig sa ugat.

Nakatodo na nga ang aircon, heto’t hubad-baro pa ring matulog. I shook my head, amused. Feeling ko ay tinatapatan ako nito, e. Kinaya kong mag-sleeveless sa Colorado kaya’t nakikigaya si gago.

Dumiretso ako sa bathroom upang maligo. Magpapa-deliver daw siya ng masusuot first thing in the morning pero ako naman iyong unang nagising. Iba rin ang saltik ni Matteo.

Iba rin talaga.

“Wow,” bulalas ko habang sinusuyod ng tingin ang interior shower designs ni Matteo. Hindi ko kasi ito masyadong nabigyan ng atensyon kagabi kaya’t ngayon ay manghang-mangha ako.

I can’t believe that I had totally ignored this last night. Moderno ang ceiling at nagtatagisan ang abo at puting kulay nito. Napataas ako ng kilay. Matteo really likes gray colors, I see.

Ang tanging nagbibigay-liwanag lamang sa kabuuan nito ay ang isang maliit na chandelier. Unang tingin pa lang ay alam kong hindi lang ito basta-bastang lilibuhin.

Sa pader naman ay mayroong nakasabit na isang malaking portrait. The faces were very influential back in the day. Kumunot ang aking noo nang makilala ang ilan sa mga ito.

Martin Luther King.

Napoléon Bonaparte.

Maximilien Robespierre.

Napaawang ang aking bibig. “Niccolò... Machiavelli?” I whispered in confusion.

Machiavelli... Machiavellian... The Machiavellian Movement.

Ilang beses akong napakurap. Mistulang bumbilya ang pagpitik sa akin ng iba’t ibang realisasyon. I tried to recall the story behind his name. Nakabibilib lang at nagawa ko pa itong makilala sa mukha.

Unti-unting lumawak ang aking ngisi. “It seems like I don’t need an insider to conduct my research.” Hinaplos ko ang mamahaling portrait. “Matteo would reveal without saying anything.”

I took my clothes off and turned the shower knob. Pinili ko ang maligamgam na tubig. Tinantiya ko nang maigi ang bawat pagpatak ng tubig. Ayaw ko ng mahina at ayaw ko rin ng sumasabog.

I moaned in satisfaction when warm water hit my delicate skin. Para sa akin ay perpekto ang temperaturang ito. Binasa ko muna ang aking buong katawan bago mag-umpisang magsabon.

The soap smells like him, too. Pakiramdam ko ay numipis ito bigla dahil hindi ko tinantanan ang pagsasabon hanggang sa maging magkaamoy na kaming dalawa.

“So, this is your secret, huh?” Tumawa ako.

Wala akong magamit na pang-describe, e. Napaka-manly ng amoy ngunit banayad sa ilong. Hindi nakakabahing. Kumbaga amoy Matteo Waderick Rae France talaga.
Hindi ko na rin pinalagpas ang paggamit ng kanyang shampoo. Hindi familiar ang tatak, e. Ewan kung saang lupalop bumibili ng imported hygiene products itong si Matteo.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon