Chapter 8

78.2K 2.4K 249
                                        

Chapter 8

Abala si Kuya Jordan sa pagnguya ng binili niyang egg pie habang nagbabasa ng dyaryo sa hapag-kainan habang nanatiling nakapako lang ang mga mata ko sa veggie steak na binili niya para sa akin.

Nakaramdam ako ng pagsisisi kung bakit pa ako tumanggi sa blueberry cupcake. I didn’t want to eat anything na may sahog o halong gulay.

Bahagya akong nagulat nang tumunog ang cellphone ni Kuya Jordan.

Kumunot ang noo niya sa inasta ko bago siya tumayo at sinagot ang tawag. Narinig ko pa ang mahinang pagmumura niya mula sa hindi kalayuan.

Bumaling ako sa isang paper bag na dala ni Kuya Jordan at inabot iyon. Tiningnan ko ang laman niyon at natagpuan ang isang box ng caramel pudding. Kinuha ko iyon at binuksan upang kainin. Ilang linggo na lang ay malapit na ang Pasko at kailangan ko nang mag-umpisang asikasuhin ang papers ko para sa susunod na semester—which was going to be my last.

Magiging isang apprentice ako.

I was going to attend series of hearings for my final thesis and the grand debate. For now, wala pa naman akong napupusuang magaling at mahusay na abogado para makapag-apply.

Gusto ko sana ay babae rin. As much as possible, gusto kong umiwas sa mga lalaki. Hinding-hindi na muling maibabalik pa ang nagusot kong tiwala sa mga katulad nila.

Habambuhay na itong may lamat.

“Oh? Bakit hindi mo kinain iyong veggie steak?”

Nabitiwan ko ang kutsarang hawak sa pagkabigla. Nilingon ko si Kuya Jordan na nakaawang ang mga labi habang siya nama’y matiim na nakatitig sa akin. There was a calculating look in his eyes, and I had to avoid his scrutinizing gaze.

Hindi ako umiinom ng kape pero ganoon na lang ang pagkamagugulatin ko matapos ang insidente.

“Jee, may problema ba?” Umupo si Kuya Jordan sa tapat ko at mataman akong pinagmasdan.

May kung anong bumikig sa aking lalamunan kaya hindi agad ako nakapagsalita. I was afraid that my voice would betray me.

Umiling na lang ako at muling itinuon ang mga mata sa caramel pudding sa harap ko. It tasted alright. Tamang tamis at hindi nakakaumay. Ngunit bigla na lang ako nawalan ng gana.

“Are you sure? I also noticed that you hadn’t been to a party in a while.” May bahid ng pagdududa ang kanyang boses.

Nalukot ang aking mukha at iritadong nag-angat ng tingin sa kanya. “Ano bang pakialam mo?” asik ko.

Natigilan siya sa outburst ko. Tumayo siya’t padabog na hinampas ang table. I flinched and closed my eyes in an instant. Binalot ng takot ang buong sistema ko sa pag-iisip na nagalit at napuno na siya sa akin. Hindi ako sigurado kung anong gagawin niya.

Pagbubuhatan niya ba ako ng kamay?

“It seems like you’re scared.” Humina ang kanyang boses.

Kumuyom ang aking mga kamaong nakapatong sa hita.

“—of something,” he added.

Nagmulat ako ng mga mata at sinalubong ang nagtatanong niyang mukha. Kitang-kita ko kung paano niya aralin ang bawat ekspresyon sa mukha ko.

I tried to hide my distress and agitation. Keyword: tried. I knew that Kuya Jordan already noticed it.

His eyes narrowed at me. Nadepina noon ang matapang na ekspresyong idinulot ng kanyang itim na mga kilay.

“What’s bothering you, Jee?” Napansin ko ang panunukat niya sa aking reaksyon.

Umiling ako.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon