Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 30
"Hija."
Nilingon ko si Tita Grazilda. Tapos na akong maligo at gaya ng gustong mangyari ni Rui ay isinuot ko ang binili niyang blue dress para sa akin.
The dress has long sleeves and with a collar. It's also button up from the half body. I won't deny that I liked it dahil gaya ng sinabi ni Rui ay bagay ito sa akin.
"Hi, Tita." Ngumisi ako at inilapag ang liptint na hawak sa table. Tumingin ako sa salamin upang tingnan kung may nagkalat na make up sa aking mukha.
Pagkatapos niyon ay tumayo na ako at bumaling ulit kay Tita Grazilda na nakangiting pinagmamasdan ako. Rui's mom is lovely. Malapit ako kay Tita dahil isa siya rin siyang kunsintidor katulad ni Mama.
"You look so beautiful, hija," marahan niyang sinabi pagkatapos akong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Tumawa ako at tinakbo ang distansya naming dalawa upang yakapin siya. She hugged me back and stroked my hair. Napansin kong pumayat si Tita matapos ko siyang yakapin.
I pulled away from the hug and looked at her intently. Kapansin-pansin na rin ang wrinkles ni Tita at mukha rin siyang pagod. Siguro ay dahil ito sa pagluluto ng mga ihahanda kanina.
"Are you alright, Tita?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang kapayatan ni Tita.
I know I'm being paranoid. She's not that thin. Sadyang nahalata ko lang ito dahil sa tagal ng hindi naming pagkikita. And the last time that I saw her, she was as healthy as my mother.
"I am." Tumawa pa ito upang takpan ang panghihina. Inakay niya ako paupo sa kama ko.
She held both of my hands. Nagtataka kong tiningnan si Tita Grazilda. She looked bothered and confused at the same time.
"Tita?" Pukaw ko.
Huminga siya nang malalim at tiningnan ako nang mata sa mata. Her eyes spoke volumes. Maging ako ay naguluhan doon ngunit alam kong may mabigat na kadahilanan iyon.
"Jergen," banayad niyang sambit.
My lips twitched. Sinubukan kong pigilan ang natural na reaksyong gusto kong ipakita. There's a lot of things that remind me of him and I just can't believe na maging ang pagtawag sa pangalan ko ay mayroon ng kakaibang epekto.
"Jee na lang po, Tita." Tipid akong ngumiti.
"Hija," she began. "Wala ka pa bang ipapakilalang boyfriend sa amin?" She forced a smile and winked at me.
Napalunok ako at sinabayan iyon ng pagak na tawa. Umiling ako sa kanya at muling tumawa. Saan patungo ang usapang ito? Shit lang.
"Tita naman," saway ko rito.
"Why?" Tumawa ito. "Look at you—so young and beautiful. Wala man lang bang nagtangka? Naintimidate yata?" She teased lightly.
"Tita naman? Para kang si Mama ngayon." Ngumuso ako at pinaningkitan siya ng mga mata. "Gustong-gusto niyo na ako magboyfriend. Aral muna, hindi ba? Relationships can wait," mahaba kong litanya.
Kahit na hindi ko makita ang punto para makipagrelasyon ngayon ay naiintindihan ko naman kung bakit sila nagkakaganito. There was a time before when they thought that I was a les.
There's nothing wrong being part of the LGBT community, though. I'm never against it. Nag-alala lang ang pamilya ko, maging ang mga kamag-anak ko na rin.
Ako lamang kasi ang nag-iisang babae sa aming magpipinsan. And they were afraid that one day, they would wake up na kasapi na ako nina Kuya Jordan—which is possible dahil puro lalaki ang nakapaligid sa akin.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Fiction généraleLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...