Chapter 33

56K 1.6K 263
                                        

CONGRATULATIONS TO OUR VERY OWN PAMBANSANG KAMAO!

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 33

The days passed like a blur. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nagpapa-book ng flight patungong US. My parents will stay here for a week more. Dito na kasi nila i-cecelebrate ang bagong taon with my relatives.

Nang magpaalam ako sa kanilang kailangan kong lumipad upang dumalo sa isang party ay hindi iyon naging ganoon kadali.

"So, this is about the same party you went to last year?" Mahinahong tanong ni Papa.

Sumimsim siya sa kape niya at inilapag ang hawak na newspaper. Si Mama naman ay abala sa pagsasangag ngunit alam kong nakikinig din ito nang mabuti.

We're family of early birds. Ang iba ko pang mga Tito at Tita ay tulog pa rin. At sa tingin ko ay ganoon din ang aking mga pinsan, except for Kuya Jordan na naabutan ko pa noong madaling araw na nagmamadaling magpaalam umalis sa ngalan ng pag-ibig niya para kay Cynthia.

They're probably back in each other's arms again. Kailanman ay hindi ko naisip na magiging ganito kaseryoso ang isang iyon sa kasintahan.

I didn't drink last night. Isa iyong himala para sa mga pinsan kong lubos na nakakakilala sa akin. I didn't because I just felt like it.

"Yes," marahan kong sagot. Tinatantiya ko ang mood ni Papa.

Dapat lang na sinasamantala ang paghingi ng pabor tuwing may okasyon. Malaki kasi ang posibilidad na hindi sila tumanggi.

"And who's going with you?" Singit ni Mama habang nakatalikod. Curiosity laced in her tender voice.

"No one. I'm going by myself," I hesitated. Last year, it was Kuya Jordan who brought me there. Hindi ko inakalang magugustuhan ko ang New Year's Party doon.

At dahil nga malapit ako kay Rui ay naikwento ko sa kanya ang tungkol dito. I told him that I wanted to go again. I just didn't expect that I'd be receiving an access ticket to be there. I still feel overwhelmed over his precious gift.

Rui spoils me so much. And to think that I'm older than him. I'm being spoiled by someone who is two years my junior.

"So, balak mo na namang doon mag-celebrate ng bagong taon kaysa ang makasama kami?" Mahinahon ngunit may hinanakit ang tono ni Mama.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling. My father just chuckled at my mother's antic.

"Mama," I called out. "It wasn't my plan to. Sinabi ko namang niregaluhan lang ako ni Rui ng ticket, hindi ba?" I stated, rolling my eyes.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Papa. Nasundan iyon ng tawa. Biglang humarap sa amin si Mama at namaywang.

"Right. Kaya't para hindi sayang ay puntahan mo," she snickered.

"Babe, you're being childish." Umiling si Papa at saka humalakhak.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. I glanced at my father who's now looking at her wife adoringly with a small smile playing on his lips.

Ilang beses akong nagpakawala ng hangin. Ano na kayang nangyari sa kanya? Paano siya nag-celebrate ng Pasko? At sino kayang kasama niya? Family? Special someone? Perhaps a girlfriend. Rhys? Last time I checked, he was courting her.

Parang pinipiga ang puso ko. My system didn't appreciate my disrespectful thoughts. I could have filtered it to cover up my unraveling emotions.

"Bakit? Ganoon na ba ako katanda?" May bakas ng pagtatampo ang tono ni Mama.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon