Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 51
They say that if you want to see the kid side personality of one person, you should take him to an amusement park or anywhere that is for kids. Slowly, that person will tear the walls down he built in his own heart, and come out of his shell. This is a proof that not everything you see is true. What you are seeing now is the just the partial image of that person. Trust me when I say that, every person has a story that will truly break your heart.
Your judgement for a particular person today doesn't even reach the level of struggles that person has been going through. Take note of it.
My mouth has no filter. I say what I want regardless of what the people may think of me or feel about it. I am blunt. I don't have to feel guilty. My conscience is not going to eat me because I don't tell lies and bullshit. I am frank to anyone and about everything. I don't need to hide.
I may hurt them through my words, but it is not me who causes it. It is the reality that slaps them with the truth. My role is just being the bridge.
Inilabas ko ang cellphone ko at in-open ang camera niyon. Sumandal ako nang bahagya sa dibdib ni Matteo. "Smile!" Nag-ngising aso ako.
Pareho kaming may hawak na strawberry ice cream sa kabilang kamay habang nakaakbay naman ang isang braso ni Matteo sa akin. Hindi ngumiti si Matteo bagkus ay humalik lamang sa gilid ng aking ulo.
Click.
Tumunog ang camera shot kaya ibinaba ko ito upang matingnan iyon.
Huling-huli nito ang paghalik ni Matteo sa akin. Malaki naman ang ngisi ko na para bang nanalo sa lotto at higit sa lahat ay HD ang ice cream. Perfect!
"Ang ganda ko rito!" Tumawa ako at humilig sa matipunong dibdib ni Matteo. He slipped an arm around my slim waist and pulled me to him.
"I know," bulong niya sa aking tainga. Umihip ang malakas na hangin at sumabog ang buhok ko sa kanyang mukha. I chuckled as he groaned.
"Maski hibla ng buhok mo ay mabango," masuyo niyang sinabi. Kanina pa naghuhuramentado ang sistema ko dahil sa mga linyahan ni Matteo. He's very attentive to me, na kahit simpleng pagkamot ko lang sa aking braso ay napapansin niya. Tinanong niya kung may allergies ba ako.
Medyo nakakairita lang na sa tuwing may daraanan kami ay halos mabali ang leeg ng ilang mga babae kakasunod ng tingin kay Matteo. He's hot, I get it. But I think I'll never get used to it—sa klase ng reaksyon at atensyon na ibinibigay ng mga babae sa kanya.
Kung hindi siya nililingon ay sumisimple naman ng pagsunod ang dalawang babae. Napansin ko iyon nang nahuli ko silang humahagikgik.
Napalingon ako niyon at nahuli silang nasa likuran namin. Ipagsasawalang bahala ko na sana pero napapansin ko na kung nasaan kami ay naroon din sila.
Nagkibit-balikat ako. Pwede namang coincidence lang at may gusto rin sila sa nililibot namin. Palihim akong nakiramdam sa kanilang dalawa. At nang mahuli ko silang titig na titig kay Matteo habang kumakain kami ng ice cream ay doon ko nang napatunayang sinusundan nila kami.
Umiwas agad sila ng tingin nang mahuli ko sila. Sinundan naman ni Matteo ang paningin ko. Tinanong niya kung sino ang dinudungaw ko.
"Nakasakay ka na ba sa carousel?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang haba ng pila para sa ride na iyon. I also want to.
Hinatak niya ang aking baywang at sabay kaming naglakad patungo sa pila sa carousel. Ngumisi agad ako. This is going to be my first time.
"Wala pa akong karanasan kaya bakit hindi natin subukan?" Dinungaw ni Matteo ang aking mukha. He is looking for any sign of approval.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Ficción GeneralLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...