Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 24
Agad kong nilisan ang lugar na tinawag ni Clarine bilang Neptune's sanctum. Her face was enough for me to say she was beyond livid. Nang dahil sa pag-trespass ko roon.
It's not like I'm scared of her. Hell, no. I just know better. At sa tingin ko ay maiksi na talaga ang pisi niya. Mahirap makipag-argumento sa isang taong sarado ang utak.
You'll never win against them. At malakas ang pakiramdam ko na may pinagdaraanan si Clarine. Maybe she just doesn't know how to handle it. Or maybe she's tired of facing it.
Nagkibit balikat ako. I don't know. Wala naman akong balak na makihalubilo sa buhay niya. I have enough on my plate right now.
Napasabit ako sa mga Frances.
And speaking of it, mukhang wala nang balak bumalik si Matteo. I shrugged. Fine with me. I'm not one damsel in distress to be saved by a pretentious knight with too much testosterone.
Kaya ko ang sarili ko. Mas maganda nga iyong hindi na niya ako balikan nang sa ganoon ay didiretso na akong umuwi. Knowing him, kapag bumalik pa iyon ay may kasamang planong baon iyon.
Which is by the way, I'm no way interested in. Poor me. Dahil tuwing idinaraan niya ako sa pilit ay maliit ang pag-asang makatutol ako o masunod ang gusto ko.
Bumalik ako sa floor na kung saan ako huling iniwan ni Matteo. Tiningnan ko ang buong palapag. Napansin kong mas dumami ang mga taong narito ngayon kumpara kanina.
Napalingon ako nang makarinig ng pagkabasag. Nagmumula iyon sa isang table na malapit sa pinag-iwanan sa akin ni Matteo. Napasinghap ang karamihan.
Dala ng kuryosidad ay dinala ako ng aking mga paa patungo roon. Hindi naman ganoon kalapit. Sinadya kong sapat lang sa aking pandinig upang makasagap ng balita.
"We don't know—"
Nanlaki ang mga mata ko nang malutong na nagmura ang isang pamilyar na boses.
"One simple order and all of you couldn't follow," pagalit na sinabi ni Matteo.
Huminga ako nang malalim at dinala ang aking sarili papunta sa table kung saan sila nagkukumpulan at nagtatalo-talo. Kitang-kita ko ang panginginig sa takot ng mga kasigawan ni Matteo.
"Boss—"
Matalim na tiningnan ni Matteo ang lalaking nagsalita. Napalunok ang huli at itinuro ako. His finger was shaking. Umiling ako. Turo nang turo baka manuno.
Napalingon si Matteo sa aking gawi. His face speaks of rage, power and impatience. Saglit siyang bumaling sa mga kalalakihan sa table. Iminuwestra niya ang kanyang kamay sa kanila paalis.
Rude.
Tuluyan na akong nakalapit kay Matteo. Nasa likod niya ako at nakita kong kuyom pa rin ang kanyang kamao. Sinundan ko ng tingin ang mga lalaking pinapagalitan niya kanina. Bumalik sila sa kanya-kanyang table.
Nagtungo ako sa harap ni Matteo. Ni hindi man lang niya ako sinulyapan. Hinawakan ko ang dulo ng kanyang suot. I pulled it gently. Hindi naman ako nabigo nang bumaba ang tingin niya sa akin.
Tumingkayad ako at sinuri ang kanyang matigas na mukha, "What's wrong with you? Mahilig ka yatang makipagbasag ulo." Umiling ako.
Kumunot ang kanyang noo. "Where were you?" He asked, his voice strained.
Ako naman ang nagtaka. "Just around," sagot ko. "You don't expect me to stay in one place waiting for you in vain, do you?"
Pumikit siya nang mariin. My eyebrows furrowed. What exactly is wrong with this guy? Maybe something bad happened sa pinuntahan niya kaya parang binuro ang kanyang mood.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
General FictionLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...