Chapter 22

81.2K 2.2K 318
                                        

Twitter: #Decadence @EinahWP

➳ Chapter 22

Pareho kaming tahimik habang siya ay nagmamaneho paalis sa lugar na kung saan niya ako dinala. His last statement got me thinking. I wonder what he meant by that. I felt like asking, but I knew it was futile. Would he even give me an answer?

Bumuntong-hininga ako at ipinikit ang mga mata. Naramdaman kong dinala niya ang aking kamay patungo sa kanyang hita at ipinatong iyon doon. Hindi ako nagmulat ng mga mata. Defying him was the last thing I should do right now.

"Are you okay?" Malamig ngunit may bahid ng pag-aalala ang kanyang boses.

Tumango ako habang nakapikit. "Oo."

"Hmmm? Sure?"

"Yup."

Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. Ilang segundo ang nakalipas nang muli siyang nagsalita.

"I'm not bringing you home." There was finality in his tone.

Doon ako napamulat ng mga mata. Nilingon ko si Matteo. "What?"

He gave me a side glance. "At least, not yet."

"What the fuck's wrong with you? Napag-usapan na natin ito," giit ko.

I just can't believe this. Hanggang kailan ako nitong balak ilayo sa amin? Ano na lang ang iisipin ng mga pinsan ko? Na masyado akong nahibang maki-sleepover? As if they're going to buy that.

Iniliko niya ang sasakyan sa kaliwa. Kitang-kita ko ang paggalaw ng mga muscles niya sa braso. Binawi ko ang aking tingin at humalukipkip.

"I want to go home."

"You will," mabilis niyang sagot. "Soon."

Nalaglag ang aking panga. "Soon? And who are you to say that? Uuwi ako sa ayaw at gusto mo. Tangina naman, Matteo." Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa init ng aking ulo.

"Language, babe." His tone was dangerous.

Umiling ako.

"Language, babe," I irritatingly mocked. "I do what I want. I say what I want." I gritted my teeth in anger.

Kumunot ang kanyang noo bago ibinalik ang atensyon sa kalsada. Huminto ang sasakyan sa isang gilid ng malaking gusali.

Nilingon ko si Matteo at nahuling nakatingin na pala siya sa akin.

"You're snappish right now." His dark eyes narrowed a little. "You're on period?" He asked casually.

Namilog ang mga mata ko at uminit ang pisngi. "How could you—"

He leaned over, his face dangerously close to mine. I almost smelled his minty breath. Itinikom ko ang aking bibig at pinatigas ang mukha.

"Ever heard of personal space?" I snapped at him.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Dumapo ang kanyang palad sa aking pisngi. He caressed my cheek gently, his eyes glazed over.

"We're going to Acuestick," he said softly.

Kumunot ang aking noo. "Pero—"

"After that I'll take you home. That is, if you won't enjoy being there. Alright?" He compromised.

Huminga ako nang malalim. "When will I ever a get say in your plans about MY life?" Tanong ko.

Pumungay ang kanyang mga mata. Dumako ang aking tingin sa mapupula niyang mga labi na tila ba nang-aakit. Pinilig ko ang aking ulo at muling nag-angat ng tingin sa kanya.

Decadence [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon