Twitter: #Decadence @EinahWP
➳ Chapter 39
Nagising ako nang masakit ang ulo. Bawat paggalaw nito ay naghahatid ng kirot sa aking sentido. Napaungol ako at marahang bumangon. Sapo-sapo ko ang kumikirot kong ulo. Napangiwi ako.
I never thought I would be nursing a freaking hangover today. Mamayang gabi pa naman ang last day ng celebration party for the new year. Tumayo ako at pinagmasdan ang aking mukha sa salamin. Mamula-mula aking pisngi sa hindi malamang dahilan.
My forehead knotted in wonder. I didn't even look pale, and was new to me. Madalas kasi na kapag nagkaka-hang over ako ay maputla ako. Pinilig ko ang ulo ko at saka dumiretso sa bathroom upang maligo. Medyo nagulat pa ako dahil suot ko iyong pale pink nightgown ko.
Nagkibit ako ng balikat bago hinubad iyon. I just want to feel clean and fresh. Nanlalagkit ako ngayon. Binilisan ko lang ang pagligo upang makakain na at makainom ng painkiller. My headache felt worse. Mukhang nasobrahan yata ang pag-inom ko kagabi at maging ang paghatid sa akin pauwi ng cab service ng Decadence management ay hindi ko maalala.
Gusto ko ring personal na magpasalamat sa kanila, lalo na sa driver for dropping me off by my hotel suite safely. Wala naman akong kakaibang nararamdaman. My face was even glowing for some reason. Mukhang nag-enjoy talaga ako kagabi kaya ganito. Medyo masakit din ang katawan ko.
Dala lamang siguro iyon ng pagsasayaw ko kagabi. What excites me more is the last day which is going to happen later.
Nang matapos ako sa pagligo ay pinatuyo ko ang katawan ko gamit ang roba. Habang nakaharap sa salamin ay may pumukaw sa aking atensyon. Napansin kong namumula ang leeg ko. Napahawak ako rito. Hindi naman bukol. What the hell? Don't tell me nakipag-make out ako kung kanino man kagabi?
Shit.
Napailing na lang ako at nagbihis. I just wore a long sleeved button up checkered shirt at isang low waist jeans.
Liquid foundation lang ang inilagay ko sa mukha ko at pink liptint. Bago ako umalis ng suite ko ay nag-iwan ako ng Facebook message kay Rui.
Me:
Last night was epic. You should have been here. :D
Balak kong iwan ang cellphone ko sa suite. Hindi ko rin naman magagamit iyon dahil kakain lang ako sa Daisy Me Rowling at babalik din agad pagkatapos. Tumunog naman agad ang Facebook message alert tone kaya't minabuti ko munang silipin ang message bago umalis.
Rui:
In time, Jee. :)
Hindi ko na siya nireplyan at dumiretso na ako palabas ng suite. Nang sumakay muli ako sa elevator ay nakasabay ko na naman ulit ang dalawang lalaki kahapon.
Pareho silang huminto sa pag-uusap nang makita akong papasok. Pumwesto muli ako kanilang harap.
I rolled my eyes. What's wrong with these two? Baka naman nahihiya lang makipagkwentuhan kapag may ibang tao?
Who knows?
Muli ko na namang tinawid ang daan patungong kabilang street. Abalang-abala ang mga tao dahil mamaya na ang bagong taon.
"Good morning, Miss," anang isang waitress na siyang sumalubong sa akin. "This way."
Inihatid niya ako sa table na nakalagak sa pinakagitna ng restaurant. The waitress named Hailey handed me the menu book.
"Grilled cheese sandwich and iced tea will do," I said flatly. Tumango ito at tumalikod na.
I slowly massaged my temple. It still ached. The pain hadn't subsided yet. Hindi magiging maganda kung hindi ito mawawala hanggang mamaya. Party is not party without booze. It will be boring. Kaya nga't tumaas nang ganito ang alcohol tolerance ko.

BINABASA MO ANG
Decadence [Published]
Fiksi UmumLove obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfections. However, life has to test her strength and brilliance with an unforeseen havoc, and Jee's san...